Chapter 2

1567 Words
Chapter 2 Gio Alden Monterossi POV Kalalabas ko lang ng bahay ng tumawag sa akin si Venice. “Kuya, buy some croissant for me, please. Bumisita ka naman dito sa bahay sabi ni Mommy.” Bumuntonghininga ako bago nagsalita. “I’ll try.” “What? Come on! Hindi ka naman busy,” angal ni Venice. “I said I’ll try,” giit ko. “Psh! Kaya ka single, eh. Puro ka na lang I’ll try. Mamaya niyan ay tumanda ka ng binata,” komento niya. “Hay, naku!” “Oo na! Sige, continue,” aniya. Alam kong nakasimangot na siya ngayon. “Bye! Basta bilhan mo ako ng croissant at tinatamad akong lumabas.” Kunot-noo kong tinitigan ang aking cellphone nang p*****n niya ako ng tawag. “Tss.” Inis ko itong isinilid sa aking bulsa at sumakay na. Pinaharurot ko palabas ng Prince Town ang aking sasakyan. Ang Prince Town ay isang ekslusibong lugar na para lamang sa mga elite na tulad ko. Magkakapitbahay kami nina Tres, Uno, Dos, at Draken. Walang alam si Venice na may bahay ako rito. Palagi kasi siyang dumarating sa condo ko nang hindi nagpapaalam kaya minsan nakikita niyang may lata ng beer sa lamesa at pinapagalitan pa ako. Dumiretso ako sa bakery na paborito ni Venice at kaagad na pumarada sa harap. Bumaba ako at pumasok sa loob. Isa lang naman ang pinapabili niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil halos limang daan ang isang piraso. What the hell? Anong klaseng tinapay ba ang kinakain ng kapatid ko? Hindi na lang ako nagreklamo at kaagad na nagbayad. Isang libo lang naman ang dala kong pera. Ayaw kong nagdadala ng pera dahil kuripot ako. Ayaw kong gumastos. Si Venice lang yata ang may lakas-loob na gastusin ang pera ko. Hingi siya ng hingi, may pera naman siya. Ginagatasan pa ako. Tss. Papasok na sana ako sa sasakyan nang maramdaman ko ang paghablot ng aking pitaka mula sa aking bulsa. Gulat akong napatitig sa babaeng tumakbo papalayo. Kaagad akong kumaripang takbo at sinundan ang babae. “H-Hey!” sigaw ko ngunit lumiko siya kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. Nabitawan ko ang pinabiling tinapay ni Venice at nahulog ito sa kanal. “Sh*t!” Hinayaan ko na lang ito. I need my wallet back. Naroon ang mga importante kong identification cards. Tamad akong magpagawa ulit. Ayaw ko ring mang-utos. “Sh*t! Ang bilis niyang tumakbo. “Hoy! Babae!” sigaw ko. Dumiretso siya sa lugar na liblib at wala masyadong tao. “Ibalik mo ’yan! Magnanakaw!” sigaw ko ulit pero mas mabilis pa siyang tumakbo kaysa sa akin. Maliit kasing babae kaya magaan lang ang katawan. Lumiko ulit ang babae kaya naghanap ako ng paraan para maunahan siya kung saan man siya hihinto. Natigil ako nang makita ko siyang nakaupo at parang tinitingnan ang laman ng wallet ko. Ganoon na lamang ang pagsalubong ng kanyang mga kilay. Tatawa-tawa akong lumapit. Hindi man lang niya napansin ang aking presensya. “Nakakainis! Nakakainis!” rinig kong singhal niya. Galit na galit. Hahaha! Wala kang makukuha sa akin. “Ang kapal ng pitaka pero walang pera! Nakakainis!” galit na singhal ng babae habang nagdadabog. “You looked so mad,” komento ko. Gulat siyang nag-angat ng tingin sa akin. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita akong nakatayo sa kanyabg harapan. I smirk. “Give me back my wallet, lady,” utos ko at naglahad ng kamay sa kanya. Kunot-noo niya akong tiningnan saka binalingan ang wallet ko na nasa sahig na. Marumi at nakalabas ang lahat ng laman. Puro papel naman ito. Inis niya itong pinulot. Hindi ako nakaiwas nang ibato niya ito sa akin at tinamaan ako sa mukha. “Aw!” daing ko habang himas-himas ang aking ilong. Galit ko siyang tiningnan. “What the hell? What did you do?” inis kong tanong sa kanya. “Binato kita,” sagot niya na para bang hindi ko alam ang ginawa niya. Ang gusto kong malaman ay kung bakit niya ako binato. “What?” inis kong tanong. “Binato kita. Sabi mo ay ibalik ko sa 'yo ang pitaka mo, diba? Ayan na! Wala naman iyang laman. Huwag ka ng mag-wallet dahil wala ka namang pera.” Kaagad akong natigilan. “Sinabi mo bang wala akong pera?” galit kong tanong sa kanya. “Hindi, pero parang ganoon na nga,” pambabara kong sagot sa kanya. Kaagad nandilim ang aking paningin. “Ipapadampot kita sa pulis. Makukulong ka,” banta ko. Akmang hahawakan ko siya sa balikat nang bigla na lang siyang nagsalita. “Hindi! Hindi ako papayag!” sambit niya. Umikot ang akong paningin nang tumama ang kanyang kamao sa aking panga. Kaaagd akong napahawak sa tinamaan. Sobrang sakit. Sa liit niyang babae, malakas naman pala ang kanyang kamao. Kumaripas siya ng takbo. “H-Hey! Stop right there!” sigaw ko ngunit wala na siya sa paningin ko. Sinundan ko siya ngunit hindi ko na siya nakita. “Damn that woman!” singhal ko sa inis. Kailangan ko ng bumalik. “Argh! Ang tinapay ni Venice!” inis kong singhal sa aking sarili. Pagbaba ko ng aking paningin at namataan ko ang maliit na patak ng pulang likido sa aking puting long sleeve polo. Gulat kong hinimas ang aking labi. Nanlaki ang aking mga mata. “My lips were busted?” gulat kong tanong sa aking sarili. “The hell!” inis kong sigaw at nagmadaling bumalik sa sasakyan. Pinaharurot ko ito papuntang ospital pero kaagad din akong huminto dahil alam kong magtatanong si Mateo kung ano ang nangyari. Sigurado akong pagtatawanan niya ako. “Tss. What should I do?” Lumipas pa muna ang isang oras. Tuyo na ang sugat at dugo sa bibig ko. Nakatunganga lang ako sa loob ng sasakyan. Napapitlag ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. “Bakit?” “Why are you so tagal, Kuya? Kanina pa ako naghihintay.” “Sh*t! S-Sorry. I'm in the hospital,” sagot ko kay Venice. “What? Bakit? What happened? Nasaktan ka ba?” sunod-sunod niyang tanong. Nasapo ko ang aking noo at pumikit. Huminga muna ako ng malalim. “Nothing happened. Nasa labas lang ako ng hospital.” Hindi ko masabi na natapon ko ang tinapay niya dahil sigurado akong sisigawan niya ako. Tss. I can’t believe she's making me do all sorts of things for her. “Sure? Baka mamaya nakabuntis ka na pala, ha?” “The hell, Veni. Kung ano-ano na lang ang iniisip mo,” inis kong sabi. “Psh! I’m just saying my speculations.” “Wow! Ang dami mong sinabi, ah. O, sige na. Aalis na ako,” sabi ko. “Okay.” Pinatayan na naman niya ako ng tawag. Kaagad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng ospital. Tinawagan ko muna si Mateo. Sinalubong niya ako sa entrada ng kanyang opisina. “Oh, what happened?” tanong ni Mateo sa akin pagkakita sa mukha kong nakakunot ang noo. “Tsk! Some brat punched me in the face,” masungit kong sagot. Naiinis ako lalo dahil alam kong pagtatawanan niya ako. Mabilis akong napalingon sa kabilang direksyon nang may marinig akong pamilyar na boses. Hindi kasi mawala sa isip ko ang boses ng babaeng sumuntok sa akin. Kanina ko pa naiisip ang kanyang mukha. Hindi ko ’yon makakalimutan. “What?” untag na tanong ni Mateo sa akin. I shrugged. “Nothing. I think I heard a familiar voice,“ sagot ko. “Let's check that wound. Mukhang malakas ang pagkakasuntok sa 'yo, Bro,” komento niya pa. “Yeah. Nagalit sa akin, eh. Ninakawan ako pero walang laman ang wallet ko.” “Hahaha! Nasuntok ka pa. The audacity,” he said. Nagkibit-balikat ako. “Sinabihan pa akong hampaslupa. Ang tigas ng mukha, eh,” nakangiwi kong sabi bago pumasok sa opisina niya. “You need stitches. Malaking lalaki ba?” intrigang tanong ni Mateo. Buntonghininga akong umupo sa harap niya bago umiling. “Maliit na babae.” Natigilan siyang napatitig sa akin. “What?” “Oo. Maliit na babae.” Hindi na niya napigilan ang malakas niyang tawa. “What the hell? Seryoso ka, Bro?” “Nagbibiro ba ako sa paningin mo, ha? Ikaw kaya suntukin ko ngayon,” inis kong sabi. Kaagad namang siyang nagtaas ng kamay. “Sorry, sorry. It's just that… hindi lang talaga ako makapaniwala sa sinabi mo.” “Ako nga rin, eh. Impossible! Talagang ang lakas ng suntok niya, Bro. Siya lang yata ang nagawa n'on sa akin. Babae pa,” sabi ko. Makahulugang tingin ang ipinukol sa akin ni Mateo. Inis ko siyang tiningnan. “What? Ano na naman ang iniisip mong mokong ka?” Tinawanan niya ako. “Edi, na love at first sight ka na niyan?” tukso niyang tanong. Natigilan ako at hindi kaagad nakapagsalita. “Hmm. Mali pala. Na love at first punch ka, Bro.” “Batukan kita riyan. Tumigil ka na at tahiin mo na ’tong sugat ko. Kung ano-ano pa ang iniisip mo riyan, tsk!” saway ko sa kanya. “Okay. But I’m sure tumatak na sa isip mo ang mukha niya, hehehe. Baka mamaya mag-hallucinate ka na, ha? Pati boses ay hindi mo makalimutan.” “Gago!” singhal ko na tinawanan lang ng mokong. “Umayos ka.” “Okay,” aniya na hindi matigil sa pagngisi na parang aso. Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD