Chapter 1

2299 Words
Chapter 1 Dainty Ellen Santos POV Mabilis akong tumakbo pagkatapos kong mahablot ang pitakang nakausli sa pantalon ng isang lalaki. Abot-abot ang kaba sa aking dibdib. “H-Hey!” rinig kong sigaw ng lalaki. Lumingon ako at kita kong tumatakbo siya palapit sa akin. Kumaripas ako ng takbo at halos lumabas na sa aking katawan ang aking kaluluwa sa sobrang kaba. Ito ang unang beses na nagawa kong manghablot ng gamit ng iba. Gutom na gutom na ako at kailangan kong kumain. Hilong-hilo na ako at hapong-hapo na. Sumilip muna ako sa aking likuran at nang mapansing hindi na nakasunod sa akin ang lalaki ay kaagad akong sumandal sa pader. Padaus-dos akong napaupo sa sahig. Umiiyak ako habang binubuklat ang makapal na pitaka. Namilog ang aking mga mata nang makitang puro resibo ang laman. Ganoon na lamang ang galit na naramdaman ko. Inis na inis kong pinaghahampas ang pitaka sa semento. “Nakakainis! Nakakainis!” galit kong singhal. “Ang kapal ng pitaka pero walang pera! Nakakainis!” “You looked so mad.” Mabilis akong nag-angat ng tingin dahil sa narinig na boses. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata dahil sa nabungaran. Ang lalaking ninakawan ko ng pitaka ay nakatayo ngayon sa aking harapan. “Give me back my wallet,” aniya na nakalahad ang kamay sa akin. Kumunot ang aking noo at binalingan ang pitakang marumi na at nasa semento. Inis ko itong pinulot at ibinato ito sa lalaki. Napadaing siya nang tumama ito sa kanyang mukha. “Aw!” reklamo niya pa. Galit niya akong tiningnan. “What the hell? What did you do?” inis niyang tanong sa akin. “Ha? Binato kita,” sagot ko. “What?” “Binato kita. Sabi mo ibalik ko sa 'yo ang pitaka mo, diba? Ayan na! Wala naman iyang laman. Huwag ka ng mag-wallet dahil wala ka namang pera,” inis kong sabi sa kanya at tumayo na. “Sinabi mo bang hampaslupa ako?” galit niyang tanong sa akin. “Hindi, pero parang ganoon na nga,” pambabara kong sagot sa kanya. Kaagad nandilim ang kanyang paningin. “Ipapadampot kita sa pulis.” Kaagad na namilog ang aking mga mata dahil sa gulat. Mabilis na nagpalinga-linga ang aking paningin upang makahanap nang malulusutan. Hala! Ipapakulong niya ako! Huhuhu! Maghanap ka ng paraan, Ellen! Hindi ako makagalaw at kusang huminto ang aking isipan. Wala akong maisip na paraan at lalo lang akong nataranta. “Hindi. Hindi ako papayag na makulong,” sabi ko at kaagad siyang sinuntok sa panga. Mabilis akong lumusot sa kaliwa niya nang malingat siya at mawala sa akin ang kanyang atensyon. Rinig ko pa ang pagdaing niya ngunit wala akong pakialam sa mukha niya. Ang kailangan ko ngayon ay ang makalayo sa kanya. “H-Hey! Stop right there!” rinig ko pang sigaw niya. Lalo akong kumaripas sa pagtakbo dahil sa takot. Alam kong totohanin niya ang kanyang sinabi. Ayaw kong makulong. Alam ko rin namang mali ang ginawa ko pero gutom na gutom na talaga ako. Hingal na hingal akong umupo at nagtago sa isang eskinita katabi ng nga tinapong karton. Ilang sandali lang ay narinig ko siyang dumaan sa pinagtataguan ko. Kaagad kong tinakpan ang aking bibig. “Damn that woman!” rinig kong singhal niya habang nanggigigil sa inis. Pinalipas ko muna ang kalahating oras bago ako lumabas sa aking pinagtataguan. Nahihilo na ako. Wala akong malapitan at mahingian ng tulong. Masakit na ang sikmura ko at pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa gutom. Naglayas ako dahil sinasaktan ako ng aking tiyuhin. Ayaw niya akong paaralin kahit na may ipon naman sina Mama at Papa para sa pag-aaral ko bago pa sila mawala sa mundo. Ginastos lahat ng aking tiyuhin ang pera na dapat ay para sa akin. Hindi ko na kaya ang pangmamaltrato niya sa akin kaya ako umalis sa puder niya. Ilang beses ko ng ginawa pero bumabalik pa rin ako sa kanya kaya kampante siya palagi na uuwi pa rin ako sa kanila. Hindi pa nakakatulong na binubuyo ako ng aking pinsan at ginagawang katulong. Bumuntonghininga ako bago umupo sa bangketa. Masakit na rin ang aking mga paa. Buong magdamag akong naglakad para tuluyang makalayo sa lugar ng tiyuhin ko. Ayaw kong mahanap niya ako at gawin na naman akong parang robot sa bahay nila. Halos wala akong pahinga roon at hindi pa ako binibigyan ng pagkain. Nakayuko ako habang pinaglalaruan ang isang maliit na tipak ng bato. “Ano na ang gagawin ko?” bulong kong tanong sa akin sarili. Nag-angat ako ng paningin nang may humintong pares ng sapatos sa aking harapan. Isang babaeng nakatayo at parang bugnot na bugnot na. Pawis na pawis at may dalang papel. “Resume,” pabulong kong basa sa papel na hawak ng babae. Mabilis akong tumayo at kinalabit siya. “A-Ate…” nahihiya kong tawag. Nilingon niya ako. “O, bakit?” nagtataka niyang tanong sa akin. Hindi man lang siga nandiri kahit ang dungis-dungis ko na. “Ate, baka naman may pangkain ka po. Gutom na gutom na po kasi ako,” naiiyak kong sabi. “Gutom na gutom na po ako,” bulong ko pa. Hiyang-hiya ako pero wala akong magawa. Kailangan kong kumain. Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa. “Wala akong pera,” diretso niyang sagot. “Tamang-tama at gutom na rin ako. Sabay tayong magutom, hehe,” dagdag niyang wika. Nahinto sa pagtulo ang aking luha. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi. Hindi naman siya tumatawa at seryoso naman niyang sinabi na sabay kaming magutom. “N-Nagbibiro ka po ba?” tanong ko. “Ha? Hindi,” seryoso niyang sagot. Napamaang ako dahil sa sagot niya. “Ate, hindi po ako nagbibiro. Nahihilo na po ako dahil sa gutom.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Sige. Sumama ka sa akin. Maghanap tayo ng karendirya. Sabay tayong kumain dahil gipit din ako ngayon. Hindi kita mabibigyan ng pera kung iyon ang gusto mo.” Mabilis akong umiling at masayang ngumiti. “Talaga po? Pagkain po ang gusto ko, Ate. Salamat.” “Samantha. Ano ang pangalan mo?” “Ellen po, Ate Sam.” “Humawak ka sa akin at tatawid tayo," sabi niya kaya kaagad kong ginawa ang sinabi niya. Hindi pa man kami nakakatawid sa kabilang kalsada ay narinig na namin ang rumaragasang sasakyan at ang tilian ng mga tao. Gulat kong tiningnan si Ate Sam na naninigas sa tabi ko. Gusto ko siyang hatakin kaso matigas ang kanyang katawan. “A-Ate! Ate Sam!” sigaw ko ngunit hindi siya natitinag. Umalingawngaw ang malakas na silbato ng sasakyan at ang sigawan ng mga tao. Kung ito ang katapusan ko ay tatanggapin ko. Napapikit ako at hinintay na tumilapon. Umalingawngaw sa paligid ang malakas na tunog ng gulong na huminto. Amoy gulong ang kalsada. Idinilat ko ang aking isang mata at tiningnan ang paligid. Natumba si Ate Samantha. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyugyog ang kanyang balikat. “A-Ate… ayos ka lang po ba?” nag-aalala kong tanong. Mabilis na lumabas ang isang lalaki at sinigawan kami. Galit na tumayo si Ate Samantha at nakipagsagutan sa lalaki. Dahil sa inis niya ay binato niya ito ng sapatos nang akmang iiwanan niya kami sa kalsada. Nagugulat akong pinanood ang dalawa hanggang sa bigla na lang nahimatay si Ate Samantha. “A-Ate Sam!” malakas kong sigaw. Mabilis akong lumapit sa kanya pero namumutla na siya. “H-Hala… Ate! Gising po! Akala ko ba sabay tayong kakain? Gutom na po ako.” “H-Hoy! Gising!” aligagang sigaw ni Kuyang mayaman at kaagad na binitbit na parang sako si Ate Samantha. “Dadalhin ko siya sa ospital.” Kaagad akong sumakay sa sasakyan. Kinakabahan ako lalo na at parang wala ng buhay si Ate Samantha. Diyos ko. Gusto ko lang namang kumain. Taimtim akong nagdasal hanggang sa makarating kami sa ospital. Sumusunod lang ako kay Kuyang mayaman hanggang sa dinala sa emergency room si Ate Sam. Tiningnan siya ng Doctor na mukhang kaibigan pa ni Kuyang mayaman hanggang sa nilipat ng silid si Ate Sam. “A-Ayos na po ba si Ate Sam?” tanong ko kay Kuya mayaman na mukhang masungit dahil salubong ang kanyang kilay. Nilingon niya ako. “What's your name?” Nagugulat akong napatingin sa kanya. “E-Ellen po,” magalang kong sagot. Nag-abot siya ng pera kaya gulat akong tumingin sa kanya. “Bumili ka ng pagkain ninyong dalawa ng ate mo.” Taranta kong tinggap ang pera. “S-Salamat po.” Tumayo na ako at lumabas na ng silid. Tuwang-tuwa ako habang palabas ng ospital. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang may pumasok na lalaki. Putok ang pang-ibabang labi nito. “Oh, what happened?” tanong ni Doc. Mateo, ang kaibigang doktor ni Kuyang mayaman, sa lalaking putok ang labi. “Some brat punch me in the face,” masungit na sagot ng lalaki. Kaagad kong natakpan ang aking bibig at nagtago. “Hala! Nandito siya,” takot kong bulong habang naghahanap nang mapagtataguang lugar. Nagpalinga-linga ako at ganoon na lamang ang pagkataranta ko. “What?” rinig kong tanong ng doktor. “Nothing. I think I heard a familiar voice,“ sagot ng lalaki. Huminga ako nang malalim. Alam kong ako ang ibig niyang sabihin. Mabilis akong nagtago sa isang bakanteng silid nang mapansin kong palapit sila sa gawi ko. “Let's check that wound. Mukhang malakas ang pagkakasuntok sa 'yo, Bro.” “Yeah. Nagalit sa akin, eh. Ninakawan ako pero walang laman ang wallet ko.” “Hahaha! Nasuntok ka pa. The audacity.” “Sinabihan pa akong hampaslupa. Ang tigas ng mukha, eh." Namula ang mukha ko dahil sa inis. “Talagang pinag-chismisan pa ako ng dalawa. Hmp!” Nagmamadali akong lumabas ng ospital at bumili na ng pagkain. Gutom na talaga ako kaya pagbalik ay kaagad kong hinanap ang silid ni Ate Sam. Tulog pa siya. Ang sabi ng doktor ay nahimatay raw si Ate dahil sa gutom. Binasa ko rin ang mga papel niya at mukhang naghanap siya ng trabaho. Pagkagising ni ate ay nagkasagutan pa sila ni Kuyang Mayaman. Kinain ko rin ang pagkaing binili ko at ganoon din si Ate Sam. Kinagabihan ay nagpaawa si Ate Sam kay Kuyang mayaman na hanapan kami ng matutulugan. Hindi ko inakala dadalhin kami ni Kuya Nico sa mansyon niya. Akala ko kasi ay maghahanap lang siya nang maliit na tulugan. Sanay naman na akong matulog sa labas kaso mukhang naawa si Kiya Nico sa sitwasyon namin. Marunong din kasi mang-uto si Ate Sam. Totoo naman ang sinabi niya. Pareho kaming walang matutulugan. “Dito ang kuwarto mo, Ineng,” anang matandang babae na nagpakilalang Manang Nuring. “Sa kabila naman si Samantha,” dagdag niyang wika. Tipid akong tumango. “Salamat po.” “May mga gamit diyan na pambabae. Maliho ka na at amoy araw ka.” Kaagad kong inamoy ang aking sarili. Hindi ko alam. Hindi ko naman naaamoy ang sarili ko. Sanay na siguro ako sa amoy ko. “O-Opo,” sagot ko at kaagad na pumasok sa loob. Huminga ako ng malalim at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. “A-Akin ba talaga ’to?” Gusto kong umiyak. Ito ang unang beses na makakatulog ako sa magandang kuwarto. Baka mawasak ang puso ko kapag aalis na kami ni Ate Sam dito. Dumiretso ako sa banyo at naligo pagkatapos ay nagbihis na. Nakahanda sa kama ang mga bagong biling damit na hindi ko alam kung sino ang naglagay. Napapitlag ako nang biglang may kumatok sa pinto. “P-Pasok po,” sabi ko habang natatakot. Pumasok si Ate Sam na nakangiti sa akin. “Kamusta ka? Busog ka ba?” tanong niya sa akin. Kaagad akong tumango. “Opo, Ate. Pero, bakit po tayo nandito?” “Hay, naku! Huwag ka na lang magtanong. Ang importante ay makakatulog tayo nang maayos ngayong gabi. Bahala na kung ano ang mangyayari bukas.” Natahimik ako at napaisip. “Wala po akong matutuluyan.” Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari sa buhay ko at kung bakit mas pinili kong maglayas at sa kalsada matulog. Galit siyang tumingin sa akin. “Bakit naman nagpapaapi ka?” Umiling ako. “Wala akong magawa, Ate.” Kinuwento ko rin sa kanya ang ginawa kong panghahablot ng pitaka. Kaagad akong nakatanggap ng batok mula sa kanya. “Bakit mo ginawa 'yon? Masama 'yon, Ellen. Huwag mo ng uulitin,” sermon ni Ate. “Paano na lang kung nakulong ka?” inis niyang tanong. Nakanguso akong nag-iwas ng tingin sa kanya. “N-Nagutom kasi ako.” “Kahit na. Hindi pa rin tama ang ginawa mo. Naku!” “H-Hindi na po mauulit, Ate. Sana lang talaga ay may tumanggap sa akin. Magtatrabaho ako.” Kaagad siyang umiling. “Huwag na. Ako ang maghahanap ng trabaho lara sa ating dalawa. Mag-aaral ka. Ako na ang bahala basta huwag kang pasaway.” Gulat akong napatingin sa kanya. “P-Pero… hindi po tayo magkadugo.” Piningot niya ang aking tainga. “Alam ko.” “A-Aray po… Masakit.” “Hay, magpahinga ka na at matutulog na ako. Maaga pa akong aalis bukas. Maghahanap ako ng trabaho at ikaw ay magpahinga rito. Magpapa-enroll ka ulit.” Wala na akong nagawa dahil mabilis siyang lumabas ng silid. Dahan-dahan akong humiga sa kama at inalala ang mga nangyari ngayong araw. Napangiti ako. Hindi makapaniwala na nakahiga ako ngayon sa isang malambot na kama. Inis akong napapikit nang maalala ang mukha ng lalaking nasintok ko sa labi. “Huhuhu! Sana hindi niya ako sinumbong sa pulis. Ayaw kong makulong,” nahihintakutan kong bulong at kaagad na nagtago sa ilalim ng kumot. Pero… ang guwapo niya. Napakagat-labi ako dahil sa naisip at kaagad na sinaway ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD