Chapter 40 It’s time Shawnna Gaile Arcinue “Saan ka ba nanggaling?” tanong ni Tanda pagkalabas ko ng horror house. “Ahm…” Tumingin ako sa likod ko. “Horror house?” Kumunot ang noo niya. “Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin.” Napabuntong-hininga na lang ako. “I know. It’s just… mahabang kwento. May kailangan akong puntahan ngayon. Mamaya ko ikukwento sa ‘yo pagbalik ko.” “Pero…” Napabuntong-hininga rin siya. “Okay, I’ll wait for you.” Napangiti na lang ako bago siya binigyan ng halik sa labi. Hinalikan ko rin ang noo ni Venice bago ako nagpaalam sa kanila. Nagtago muna ako sa tabi ng isang facility ng amusement bago ko hinanap ang lalaking iyon gamit ang kapangyarihan ko. Hindi naman ako nahirapan at agad siyang nakita sa isang five-star hotel malapit na tinutuluyan namin.

