Chapter 41 Attack Shawnna Gaile Arcinue "Tulog na ang mga bata. Napagod yata masyado sa katatakbo at katitili." Natawa na lang din kami sa sinabi ni MJ. Narito kami ni Tanda sa lounge at magkayakap. Sina MJ at Joseph ang nagpatulog sa mga bata dahil wala na talaga akong lakas para tumayo pa. Kakaibang nilalang talaga ang mga bata. Hindi nawawalan ng energy. Kung hindi siguro natatapos ang araw ay baka hanggang mamaya gising pa sila at naglalaro. Nakauwi na si Carter kaya naman kahit papaano ay natahimik na ang paligid. Mukhang may galit talaga si MJ sa mga lalaki dahil pati ito ay galit na galit siya. O baka dahil nabali nito ang mga buto niya sa kamay. Mabilis man ang recovery nilang mga bampira ay nasasaktan pa rin naman sila kahit papaano. Nilingon ko ang likuran nila. "Where's R

