Kabado akong bumababa sa hagdanan habang pinagtitinginan lahat ng mga bisita. Ang background music na tinutugtog ng pianista at violinist ang pumaibabaw sa kabuuan ng venue. Nakita ko ang magpipinsang Delafuente sa isang mesa kasama ang kapatid ni V ang kapatid ko, sina Ellie, CheyenneJade at Tyra. Namataan rin ng tingin ko si Celina kasama ang pinsan niyang si Anne Enriquez. Sa ibang mesa ay mga kaklase ko noong highschool. Meron namang mga relatives namin sa kabila pang mesa. Pagdating ko sa baba ay sinalubong agad ako ni Dad. He looks manly on his suit. Nagsimula namang tumayo ang kasali sa 18th roses ko. "You're so pretty right now my Princess. Dalaga kana. Dalaga na ang batang kinakarga ko noon. Yung batang iyakin." Tumawa ang dad ko. "Thanks for everything dad." Niya

