"Bagay sayo ang gown Julie. Ang ganda mong bata ka." Nakangiting sabi sa akin ng bakla nang makita niya ang imahe ko pagkatapos kong suotin ang gown na gagamitin ko bukas sa debut ko. Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. Pagkatapos ng klase ko kanina ay dumeritso agad kami dito kasama ng Delafuente na nakahalukipkip sa isang couch at mariing nakatingin sakin. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. I hope it suits me. I hope he likes what he's staring at. "Namumula ang pisngi mo." puna sa akin ng bakla at napalingon sa direksyon ng Delafuente. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at ipinokus sa damit. Gusto ko ang napiling tubegown ko para sa debut ko. Light pink ang kulay nito at napapaligiran ng malilit na crystal na kumikinang pag natatamaan ng ilaw. "Boyfriend mo ba yan

