Buong gabing gumulo sa utak ko ang pinagsasabi ni Stolich. Minsan ay namamalayan ko nalang na tumutulo na pala ang luha ko. Buong gabi rin akong hindi dinalaw ng antok. Hindi ko magawang tingnan ang balcony ko. Lutang ang isip ko at nakatulala sa kawalan. He didn't even bother to text me. Gusto niya talagang makapag-isip isip ako. Buti nalang at walang pasok bukas dahil linggo kaya hindi mahahalata ng iba ang pamumugto ng mata ko. I need to decide now. Hindi ko pwedeng patagalin ang bagay na 'to. Nakapagdesisyon akong tawagan ang isang Delafuente para makipagkita sa kanya. Nakapagdesisyon na ako at sigurado na ako sa bagay na 'to. Nasa isang cafe ako sa isang Mall habang hinihintay ang isang Delafuente. Nakadress ako at nakalugay ang buhok. I need to take a risks. Mas mabuting mas

