Untold Part of Jame Brancen Delafuente Katabi ko si JK sa eroplano habang katabi naman ni Sky si Julie na kapwa tulog. Pauwi na kami sa Pilipinas. "JK, mahal mo si Julie diba?" tanong ko. Hindi siya sumagot at kontento na ako doon. Kilala ko ang mga pinsan ko. Kabisado ko silang lahat. "Nahuhulog na ata ako kay Julie. Hindi na ako magtataka kung dumating ang isang araw ay masuntok mo ako bigla." natatawa kong sabi. Tangina, sa lahat ng babae na magugustuhan ko iyong mahal pa ng pinsan ko! "Alam ko Jame Brancen. Pinsan mo ako kaya alam ko ang bagay na yan. Naghihintay lang ako na ikaw mismo ang mag-amin sakin." Nilingon niya ang direksyon ni Julie saka ibinalik sakin. "Kung ako sayo liligawan ko na siya. Mahal ka niya." malumanay kong sabi. Noon pa man ay napa

