Untold part of Jame Brancen Delafuente Elementary Days Napatitig ako sa batang babaeng nagtatago sa likod ni Sky. Dinungaw iyon ni JK at ipinakilala sa amin. Agad niyang nakasundo ang pinsan ko at halos sila ang maglaro. Nang makita ko ang naiiyak niyang mukha dahil sa pagkadapa niya ay napangiti ako. Para siyang barbie doll. Hindi ko alam kung paano ako makikipagkaibigan sa kanya lalo na't napakamahiyain niya. Si JK nga lang ang kasundo niya. "Patingin nga ako. Barbiedoll ba 'to ni Sky?" tanong ko habang maingat na hinahawakan ang barbiedoll na may maayos nang buhok. Sinuklay to kanina ni Jiro kaya hindi na ito magulo kaso iniwan ni Sky dahil lumabas silang dalawa para puntahan si Julie at JK sa playground. "Hindi kay Sky yan. Sa pinsan niya yan. Yung si Julie." sagot n

