Tahimik lang akong nakaupo sa upuan ko habang nakatingin sa labas ng bintana dahil sa Delafuente na nakangiti sakin. I can't take my eyes off him. Wala pa namang prof eh. Naikot ko ang tingin ko nang makarinig ako ng kalabog at nakita ang magkapatid na kakapasok lang. Kumunot ang noo ko dahil sa blangkong ekspresyon ni Sylver habang hindi ko naman maintindihan ang ekspresyon ni Jame Brancen na nakasunod sa kanya. Para siyang nafufustrate na naiirita na ewan. "Anong sinabi mo sa kanya?!" Nafufustrate na sabi ni Jame Brancen. "Ang sabi ko marami kang babae kaya tigilan kana niya." sagot ni Sylver Nagulat ako. Nilingon ko saglit ang Delafuente sa kabilang room na nakatingin sa pinsan niya. Ibinalik ko ulit ang atensyon sa magkapatid. Anong pinag-aawayan nilang dalawa? "Tal

