Sinikap kong magpigil sa galit kay Rena. She's really annoying. Ako na mismo ang umiiwas sa kanya. Hindi ko nalang binanggit sa Delafuente na iyon na nagkasagutan na naman kami ni Rena dahil ayokong pag-usapan namin ang babaeng iyon. Parati naman siyang kasama ni Jame Brancen kaya nakakasabay parin namin siya minsan. Nagkikibit nalang ako ng balikat sa tuwing magkakasalubong ang tingin namin. "Julie, daddy called me yesterday. Sabi niya sa birthday mo na siya uuwi. Malapit kana palang magdebut." Panimula ng Mom ko habang nagbibreakfast kami. Walang pasok ngayon kasi holiday kaya nakasabay namin siya ni Stolich na magbreakfast. "Yeah, Mom. Next month." sabi ko at sumubo ng pagkain. Excited ako sa birthday ko pero mas excited ako dahil sa araw na yan ay masasagot ko na ang De

