SISTER ANGELA
Pinilit ko parin makatayo mula sa akin pagkaka-upo.
Masakit at puro paltos na ang aking mga paa ngunit kailangan ko nang matapos ang aking pagsasanay.
" Kaya ko pa. Gagawin ko lahat para sa'yo Sofia." Determinado Kong pagkakasabi at nakita ko ang saya sa mukha ni Manager Rina.
" Tama Yan Sister Angela fight lang" Pag cheer up nito sa akin at muli akong naglalad.
Naglagay ako ng libro sa aking ulo at naglakad ako ng tuwid habang suot ang hills.
Hindi pa nga ako nakakalayo natapilok na naman ako ngunit muli akong tumayo at nagpatuloy sa paglalakad.
Ilan Oras din ang ginugol ko at sa wakas nakuha ko na din kung paano maglakad si Sofia.
Grabe ang kambal ko na yun pinahirapan ako. Ang hirap maging siya .
Nang matapos ko ang aking pagsasanay sinimulan ko naman ang pananamit ng mga revealing na outfit ni Sofia.
Pikit mata ko na lamang sinout ang mga Yun.
Kailangan ko daw maakit at makuha ko muli ang tiwala ng asawa ni Sofia.
" Lord ngayon po lang po humihingi na ko ng tawad sa kahangalan Kong ito" Sambit ko habang sinusuot ang kulay red na dress ni Sofia.
" Sister baliktad po ang pagsuot niyo, sa likuran po ang zipper hindi sa harapan." Nakangiting swaad ni Manager at agad- agad kong inayos ang pagsusuot ng dress.
Pati sa pagsusuot ng mga damit ni Sofia nahihirapan ako.
Feeling ko tuloy ang ingot ko sa ilang bagay.
Kailangan ko maging kalmado sa harapan ng mag ama ni Sofia, ngayon araw kasi ako pupunta sa mansion at hind ko alam kung ready na ba talaga ako.
Hindi ko alam kung gabayan ba ako ni lord Kasi mali itong ginagawa ko.
Sumakay na kami ni Manager Rina sa sasakyan niya dahil ihahatid niya na ko sa mansion.
Pagbungad ko sa mansion huminga ako ng malalim at nagulat ako nang may isang batang lalaki ang yumakap sa akin.
" Mommy! Nandito kana rin sa wakas
I miss you so much" Natutuwang Sabi ng bata at sabik na sabik itong yumakap sa akin.
" Jacob pumasok ka muna may pag uusapan lang kami ng Mommy mo." Utos ng isang lalaking naka kunot ang noo at nakatitig ito ng masama sa akin.
Hindi nga ako makatingin ng daritya sa taong iyon.
Nakasimangot ang bata na pumasok sa loob dahil gusto pa nito na mayakap ako.
" H'wag ka mag expect ng kahit ano Sofia. Pinabalik kita dito para lang Kay Jacob. Magsasama lang tayo para sa bata at wala nang iba." Seryosong pagkakasabi nito sa akin at hindi ko alam kung paano siya titignan sa mga mata.
Aaminin ko gwapo siya kaso mukhang nakakatakot siya pakisamahan kaya siguro nahirapan ang kambal ko kasama siya.
" Ahmm! Oo naman para lang sa bata
Tsaka na mimiss ko na din ang anak ko" Kalmado Kong sabi at sabay buntong hininga.
Nang makapasok na ako sa pinaka loob ng mansion naku diyos ko po tila paraiso ang paligid kaso demonyo ang may ari.
Nilibot nang mga mata ko ang buong paligid ng mansion at subra talaga ang pagka mangha ko.
Pinakita sa akin ng kasambahay ang magiging kwarto ko.
Maliit lang ito at napaka simple pero tulad nga ng sinabi ng asawa ni Sofia na h'wag ako mag expect ng kahit ano.
" Ma'am Sofia diyan po ang kwarto niyo sabi ni sir Vein. " walang emosyon na sambit nito at ngumiti lamang ako.
Humiga ako sa kama infearnes mas malambot siya sa higaan ko sa kombento.
Humiga ako sa kama at nakalapat ang mga kamay ko.
Nagulat nga ako ng biglang sumulpot ang bata.
Nakalimutan ko palang isara yung pintuan.
" Mommy ipagluto mo naman ako ng paborito kong carbonara. Subrang miss ko na po yun" Paglalambing nito sa akin at hinimas ko ang ulo nito.
" Wow! Pareho pala tayo ng paborito" Natutuwa ko pang sabi at tila nagbago ang awra ng mukha ng bata.
" Teka diba po ayaw niyo ng carbonara? Pinagluluto niyo lang po ako nun pero di po kayo kumakain ng ganoon." Pagtatakang reaksyon nito napakagat labi na lamang ako sa pagkakamali ko.
" Hah! Dati pa yun anak. Masarap pala ang carbonara kaya favorite ko na siya" Palusot ko at ngumiti lang siya sa akin.
Niyaya ako ni Jacob sa kusina upang ipag luto siya ng carbonara.
" Mommy luto ka lang diyan maglalaro po muna ako sa labas." namamadaling itong tumakbo sa labas at ako naman nag umpisa nang buksan ang ref.
Kinuha ko ang mga ka-kailanganin sa pag luto ng carbonara.
Habang nag hahanda ako biglang dumating si asawa ni Sofia na si Vein .
Uminom ito ng tubig at Kahit hindi ako tumingin sa kanya alam Kong nakatingin ito sa akin.
" Hanga talaga ako sayo Sofia. Ang galing mo talaga mag panggap na walang nangyari." naka ngisi nitong sabi sa akin at napatigil ako sa pag hihiwa.
" Ano ba sinasabi mo? Ito naman ang gusto mo diba ang ipakita sa anak natin na okay tayo. Pasalamat ka nga ginagalingan ko pagpapanggap ko." Naiinis kong sabi at kumunot lalo ang noo nito at unting-unti itong lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko.
" Sige tignan natin kung hangang saan ang kaya mo." Ani nito at mahigpit ang pagkaka hawak niya sa braso ko ngunit nagawa ko naman bawiin ang
braso ko sa kamay niya.
"Nandito ako para sa anak natin. Kaya magtitiis akong pakisamahan ka." Matapang Kong pananalita ayuko ipakita sa kanya na nasisindak ako.
" Nagsisi talaga ako na ikaw ang pinakasalan ko" Saad nito at umalis na siya sa harapan ko.
" Grabe kinabahan ako sa kanya.
Mahuhulog na yata ang puso ko" kabado kong sabi sa sarili ko at uminom ako ng tubig.
" Pagkatapos Kong Magluto tinawag ko na si Jacob upang pakainin ng niluto Kong carbonara.
Nakita ko siya naglalaro sa harden at lumapit ako sa kanya.
" Mommy laro muna tayo" pagyaya ni Jacob sa akin.
" luto na yung carbonara na pinaluluto mo, mamaya na lang tayo maglaro okay?"
Nakita ko na sumimamgot ang mukha ni Jacob at ayuko maka kita ng ganoon kaya kinuha ko ang host na hawak ng kasambahay at tinapat ko Kay Jacob.
Masaya kami naglaro ng tubig si Jacob pakiramdam ko nga para akong bata pero masaya ako ng mga sandaling iyon.
" Ano ba ginagawa niyo? Hindi kana ba nag iisip alam mo ba na pwede magka sakit ang anak mo sa ginagawa mo?" Galit na galit na bungad sa akin ni Vein at alam Kong yari na naman ako.
" Naglalaro lang kami ni Jacob, bakit kaba nagagalit sa akin?" Naiinis kong Tanong
" Hindi ka talagang pwede maging Ina!" Pang iinsulto nito at kinuha niya na si Jacob.
CONTINUE