CHAPTER TWO

1541 Words
" Sofia bakit ba ilang araw kanang tulala?" Pag alalang tanong ni Manager Rina. " Pinag babantaan ni Vein ang buhay ko anong gagawin ko?" Takot na takot na Sabi ni Sofia. " Pwede ba kumalma ka muna. Ayaw na sayo ni Vein pero hindi ka naman niya kayang saktan. Huminahon ka nga masyado mo nang pinapahirapan ang sarili mo" Pagpapa kalma ni Manager Rina Kay Sofia ngunit bakas sa mukha ni Sofia ang takot. " Kailangan ko puntahan si Troy baka kung ano gawin sa kanya ni Vein" Nagmamadaling umalis si Sofia at mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan niya. Hindi na nagawang awatin pa ni Manager Rina ang kanyang alaga dahil matigas ang ulo nito. Binabaybay ni Sofia ang madilim na daan habang malakas ang bugso ng ulan. Mabilis ang pagmamaneho nito at tila wala sa kanyang sarili. Maya- maya naramdaman niyang tila nawawalan ng prino ang kanyang sasakyan dahil doon nawala siya sa fucos at dumadosdos ang sasakyan niya pababa ng bangin at sa Isang iglap lang ay sumabog ang sinasakyan nito. Mabilis naman na kasunod si Manager Rina Kay Sofia at nakita niya ang pagsabog ng sasakyan ni Sofia. Binaba niya ang bangin at nakita niya ang katawan ni Sofia na nakalabas ito sa kanyang sasakyan bago pa man ito tuluyan sumabog, ngunit wala nang buhay si Sofia. " Sofia gumising ka. Sofia naririnig mo ba ako?" Umiiyak na saad ni Manager Rina. Hindi na nag rerespond ang katawan ni Sofia. Subrang nalungkot si Manager Rina sa pagkamatay ng kanyang alaga. kinuha niya ang katawan nito at tinago niya ang pagkamatay nito. Minsan nang na i- kwento ni Sofia sa Manager niya na may kakambal siya at naroon ito sa kombento. Naisip ni Manager na hanapin ang kakambal nito upang magpanggap na si Sofia. Naniniwala Kasi ito na hindi basta aksidenti lang ang nangyari Kay Sofia kundi pinag planohan ang pagkamatay nito at isa lang ang nasa isip nito na gagagwa sa kanyang alaga na walang iba kundi ang asawa nito na si Vein. Gusto makamit ni Manager Rina ang hustisya para Kay Sofia kaya naman hinanap niya ang kambal nito upang humingi ng tulong. " Hello po Mother magandang araw po sainyo, may nakapag sabi po sa akin na nandito daw po si sisters Angela Sandoval." Nakangiting bungad ni Manager Rina sa madre. Nagtungo kasi siya sa kombento kung nasaan ang kakambal ni Sofia. " Oo nandito nga siya. Maari ko bang malaman kung ano ang kailangan mo Kay sister Angela?" Interesadong tanong ng Madre. " Paki sabi naman po sa kanya na may alam ako tungkol sa Kakambal niya na si Sofia. Actually pinapahanap nga po siya ng kakambal niya." Pagpapaliwag ni Manager Rina. " Okay Sige tatawagin ko siya" Sambit ng Madre at umalis na ito upang tawagin si Angela. Ilan sandali pa bumungad kay Manager Rina ang isang mala anghel na babae sa kanyang harapan. " Magandang araw. Nais ko malaman kung totoo ba na pinapahanap ako ng kakambal ko?" Natutuwa nitong pagkakasabi habang magkahawak ang dalawang kamay nito. " Opo Sister Angela, actually hindi ko po alam kung saan sisimulan at kung paano ko ipapaliwanag sayo ang lahat." Tila na babalisa nitong sambit at pinag papawisan ito. " Kumalma ka muna. Handa naman ako makinig ano man ang iyong sabihin." Mahinanong Saad ni Sister Angela. " Sister Angela, kailangan ko Kasi ng tulong niyo." Walang patumpik- tumpik na Sabi ni Manager Rina. " Tulong? Ano ba ang maititulong ko?" interesadong tanong ni sister Angela. " Yung kambal mo kasi na si Sofia namatay sa pagsabog ng sasakyan niya. Hindi isang aksidenti ang nangyari sa kanya may nag manipula ng sasakyan niya upang mawalan ito ng preno." Naiiyak na pag kwento ni Manager Rina at nagsimula na rin umagos ang mga luha sa mga mata ni Sister Angela. " Ano? patay na ang kakambal ko? Wala na si Sofia?" Umiiyak na reaksyon ni Sister Angela sa mga nalaman niya. Hindi siya makapaniwala na wala na si Sofia. Matagal niya na itong hinahanap ngunit ngayon malalaman niya na patay na pala ito. Subrang hirap para sa kanya na tanggapin ito. Sampong taon palang Sila noon nang magkahiwalay dahil may isang lakaking kumuha kay Sofia upang ibinta ito. Pinalad si Angela dahil sa isang kombento siya napadpad at dito na rin siya lumaki. " Pwede ba magpanggap ka na Ikaw si Sofia. Naniniwala Kasi ako na ang asawa niya ang may kagagawan ng lahat nang ito. Luluhod ako sayo Sister Angela tulongan mo lang ako" Sinimulan ni Manager Rina na lumuhod sa harap ni Sister Angela at nakikiusap na tulongan siya nito. " Naku pwede ba h'wag ka lumuhod diyan. " Pakikiusap din ni Sister Angela at pinipilit niyang patayuin si Manager Rina. " Pakiusap magpanggap kang si Sofia Ikaw nalang ang pag asa niya upang makamit ang hustisya para sa kanya" Humahagolgol na si Manager Rina habang nakikiusap ito. Nalilito at nagugulohan na din si Sister Angela sa mga nangyayari. " Magpapanggap akong si Sofia para makamit ang hustisya, paano ko naman gagawin yun?" Nagugulohan na tanong ni Sister Angela. " Si Vein Smith ang asawa ni Sofia. Nabalitaan niya na sumabog ang sinasakyan ni Sofia pero hindi ko Pina alam sa lahat na patay na siya. Tanging alam ng asawa niya ay nasa ospital siya ngayon at nagpapagaling. Nakatanggap si Sofia ng isang message pinapabalik siya nito sa mansion upang ayusin ang kanilang relasyon. Siguro ito ang pangalawang Plano niya. Inakala niya na hindi namatay si Sofia kaya ito ang plano niya, pabalikan si Sofia sa mansion." Mahabang Pagpapaliwag ni Manager Rina. " Teka nga wala ako nauunawaan sa mga sinasabi mo pwede darityahin mo na ko" Tila namamadalig sabi ni Sister Angela. " Magpanggap kang si Sofia at bilang asawa ni Vein Smith" Darityahang tugon nito at hindi agad nakapag salita si Sister Angela. " A- ano? Magpanggap ako bilang si Sofia at bilang asawa ng asawa niya? Nahihibang kana ba? isa akong Sister at kunting panahon nalang magiging ganap na akong Madre. " Hindi makapaniwala si Sister Angela sa mga narinig niyang iyon. " Tatalikuran mo na lang ba ang kakambal mo? Kailangan ka niya. Kailangan mo maka kuha ng ebedensya patunay na siya ang pumatay sa kambal mo" Tila pangungun- syensya nito kay Sister Angela. " Pasyensya na pero sa ngayon hindi ganoon kadali mag desisyon. Pwede ba hayaan mo muna ako." Kalmado nang pagkakasabi ni Sister Angela. " Sige po Sister Angela. Pero sana bilisan niyo wala na po tayong Oras" Sambit ni Manager Rina at tumungo na ito paalis. Naging Pala isipan ang lahat Kay Sister Angela hindi niya na alam ang gagawin niya. Kunting panahon na lang magiging ganap na siyang Madre at matagal niya na itong pangarap ngunit paano ang hustisya para sa kanyang kakambal. Tila gumulo ang buhay ni Sister Angela hindi siya makapag isip pero kahit ganoon mas nanaig parin ang pagmamahal niya kay Sofia. Tinawagan niya si Manager Rina upang ipaalam na Pumapayag na siya. Nag iwan ng isnag liham si Sisters Angela sa Madre na nagpalaki sa kanya. Umaalis siya sa kombento upang tahakin ang mundo ng kanyang kakambal na si Sofia. Pumunta siya sa bahay ni Manager Rina upang doon sila makapag usap. " Maraming salamat Sister Angela at pumayag ka sa gagawin natin. " Masayang - masaya na sabi ni Manager Rina. " Saan at paano ba tayo mag uumpisa? Paano ako magiging si Sofia" Tila pag aala-lang tanong ni Sister Angela at tinignan niya ang sarili niya. Malayong malayo ang pagkatao niya sa kambal niya na si Sofa. Kung titignan kasi si Sisters Angela ay napaka inosente ng awra nito at mukhang hindi makabasag pinggan " Grabe magka mukhang- magka mukha nga kayo ni Sofia, mas maganda nga lang ng kunti ang katawan niya sa'yo pero kaya natin yan ayusin . Yung buhok mo aayusin natin Yan kulot Kasi buhok mo Sister Angela. So ano umpisahan na ba natin?" Nakangiting tanong ni Manager Rina at tumango lang si Sisters Angela. Sinimulan nang ayusin ang buhok ni Sister Angela kung dati ay kulot ito ngayon ay straight at makinang na ang kulay nito. Sinimulan niya na rin suotin ang mga damit ni Sofia at maglakad ng parang kakambal niya. " Diyos ko panginoon! ano ba klaseng damit ito? Wala na ba ibang nasusuot diyan? Halos makita na ang langit ko niyan" Pag rereklamo ni Sister Angela dahil napaka revealing ng mga kasuotan ng kakambal niya. " Sister ganto po kasi manamit ang kakambal niyo. Kung hindi mo ito susuotin paano mo siya magagaya?" Pag paliwanag ni Manager Rina at napilitan nalang si Sisters Angela na suotin ang mga kasuotan ni Sofia. Pinilit niyang gayahin ang galaw at paglalakad ni Sofia ngunit lagi siya natatapilok sa suot niyang sandals na napaka taas ng hills. Pinilit niyang maglakad ng tuwid at naka hills ang kaso nakaka ilang tapilok na siya hindi niya parin makuha ng tama. " Hayy! Hirap naman maging si Sofia" Tila naiiyak na saad ni Sister Angela habang naka upo sa sahig. Pagod na kasi ang mga paa niya kalalakad. " Mag pahinga ka muna Sister at bukas nalang tayo ulit" Nakangiting pagkakasabi ni Manager Rina at nilagyan niya ng gamot ang mga paltos sa paa ni Sister Angela. CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD