“Hindi mo anak si Micha!” Tila isang kulog na dumadagundong sa aking pandinig ang mga salitang lumabas mula sa bibig ni Miguri. Na-estatwa ako sa aking kinatatayuan, halos hindi ko na maigalaw ang aking katawan. Tila tumigil sa pagtibôk ang puso ko, at hindi ko na namalayan na kanina ko pa pala pigil ang aking hininga. “No! H-Hindi totoo ‘yan, bawiin mong sinabi mo. Huwag mong idamay dito ang anak ko Miguri.” Matigas kong saad na may halong banta ang tono ng pananalita ko. Ngunit, nang magpanagpo ang mga mata namin ni Miguri ay nakita ko mula roon na determinado siya na panindigan ang kanyang mga sinabi. “Si Paul ang ama ni Micha at hindi ikaw, matagal ka ng niloloko ng asawa mo, Smith.” Malungkot na sagot ni Miguri, habang isang naaawang tingin ang binigay nito sa akin. Dahan-dahan

