Mabilis na lumipas ang panahon. Nadismissed ang kaso ni Roderick Vill o aka James, dahil sa hindi na natunton pa mga pulis ang salarin. Bukod pa doon ay wala ni isa man sa pamilya ni James ang nagsampa ng kaso. Hindi na naghabol pa sa kaso si Smith dahil patay na ang taong gumawa nito kay Miguri. Dahilan kung bakit tuluyan ng idinismissed ng judge ang case ni James. “Why don’t you stop, Shirlie? Alam mong wala ng patutunguhan ang lahat ng mga ginagawa mo. Pinaparusahan mo lang ang sarili mo.” Si Paul na pinagsasabihan si Shirlie dahil mas lalo pa itong naging pursigido sa paghahabol sa kanyang asawa. Hubo’t-hubad na tumayo ito sa harap ni Shirlie habang ang babae ay walang pakialam na nagbihis sa kanyang harapan. Katatapos lang ng kanilang pagtatalik at ngayon ay balewala na siyang iiwa

