“Pagbabâ ko ng sasakyan ay napalingon akin ang lahat ng mga empleyado na nasa entrance ng kumpanya. Matinding paghanga ang makikita mula sa kanilang mga mata habang sinisipat ng tingin ang aking kabuuan. Napansin ko na saglit na natulala ang mga kalalakihan habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw ng aking katawan. Pakiramdam ko tuloy ay para akong isang modelo na rumarampa mula sa isang entablado. Taas-noo na nagpatuloy lang ako sa paglalakad, hindi alintana ang mga matang nakamasid sa akin. Nang tuluyan akong nakalapit sa entrance ng kumpanya ay sabay na bumati ang lahat sa akin. “Good morning, Ma’am.” Ani ng mga ito na tinugon ko ng isang tipid na ngiti. Tila nahawaan ang mga ito mula sa magandang ngiti na nakapaskil sa mga labi ko. Ang seryoso nilang mukha ay biglang nagbago

