“How dare you fool me? Hmp!” Malakas na nahampas ko ang manibela bago nanggigigil na muling tumingin sa direksyon ng isang pares ng babae at lalaki. Mula sa salaming pader ng restaurant ay malinaw kong nakikita ang masayang pag-uusap ni Paul at Miguri. Halatang masaya ang pamangkin ng aking asawa sa presensya ni Paul. Naisipan kong puntahan sa kanyang bahay ang lalaking ito upang komprontahin kung paano siya nakilala ni Miguri. Ngunit, saktong dating ko ay siya namang pag-alis ng sasakyan ni Paul. Sinundan ko siya hanggang sa nagulat na lang ako nang kasabay nito na pumarada ang sasakyan ni Miguri sa parking lot ng restaurant. Naudlot ang tangkang pagbabâ ko mula sa aking kotse ng makita ko na nag senyasan ang mga ito saka nag-aasaran na pumasok sa loob ng restaurant. Kung titingnan

