“Selene” Ingay ng ambulansya. “Miss! Miss! Miss!” Pilit iminulat ang aking mga mata. Sa nanlalabong paningin sinisikap aninagin ang mukha ng lalaking tumatapik sa aking pisngi. Maingay sa paligid dahil sa tunog ng mga ambulansya. At ilang mga taong nag-uusap. Ano ba ang nangyari? Ang alam ko ay nag-uusap lang kami ni James, pero bakit wala akong matandaan? “Miss!” “Stretcher! Buhay pa ang isang ‘to!” Muli niyang tawag sa akin ng makitang gumalaw ang aking mga talukap. Kasunod nito ang malakas na pagsigaw ng hindi nakikilalang lalaki. Malabo, iyon ang nakikita ko. Segundo pa ang lumipas, nagulat ako sa eksena na aking namulatan. Dugo, maraming dugo. Hindi lang sa sahig kundi maging sa aking katawan. Nagimbal ako ng mula sa sahig ay nakahandusay si James, naliligo sa sarili niyang

