“Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kabâ. Dumiǐn ang pagkakatapak ko sa selenyador ng kotse at humigpit ang hawak ko sa manibela habang mariin na magkalapat ang aking mga bagang. Sa tulin ng takbo ng aking sasakyan ay mabilis kong narating ang bahay ni Miguri. Natigilan ako ng makita ko ang pagparada ng kotse ni Timmy sa tapat ng bahay ni Miguri. Halos sabay lang din kaming dumating. “What are you doing here?” Matigas kong tanong, pagkababâ ng sasakyan. Ang paraan ng tingin ko dito ay parang gusto ko na itong upakan. Subalit, kaagad kong napansin ang pagiging balisâ nito. “Not now Smith, Miguri’s need us.” Nababahala nitong sagot kaya nilamon ng kabâ ang dibdib ko. “What do you mean?” Tanong ko dito, pero imbes na sumagot ay tinakbo niya ang gate at nagmamadali na

