Dim "Oh akala ko ba mag-aaral tayo?" Bungad ko pagkalabas niya mula sa kwarto niya. "Oo nga," he lazily said. "Nasan na yung mga gamit mo?" He grimaced. "Yung sayo na lang gamitin natin," "Apaka tamad mo naman! Ilalabas mo na lang eh!" padabog na sabi ko ngunit wala na rin namang nagawa kung hindi buksan ang bag ko. "Ano bang gusto mong aralin ngayon?" tanong ko para sana yung gamit na lang sa subject na iyon ang ilalabas ko. "Bahala ka," walang ganang sabi niya at sumalampak sa couch. Pinamewangan ko siya. "Alam mo parang wala ka namang interes dito," puna ko na medyo tumataas na ang boses. Pano ba naman kasi ay wala siyang kwenta kausap. Ni hindi niya nga ako matignan nang diretso mula pa kanina. He sighed. "Kahit ano, Ellie..." Sa marahang pagkakasabi niya ay natigilan ako

