Gusto mo "Akala ko ba dada-moves ka na kay pareng Spencer?" taas-kilay na tanong sakin ni Yael habang nagliligpit na kami ng gamit. Kakatapos lang ng huling klase namin ngayong araw at naghahanda na kami para umalis. "Ba't parang wala ka pa ring ginagawang hakbang?" kyuryosong dagdag niya. "Yael, Yael, Yael." I arrogantly shook my head in a dramatic way. "Not doing a step is actually a step." pa-intelehenteng sabi ko. "Aba," mahabang simula niya. "Gumaganyan ka na ah. Ano yan biglang pakipot ka kunwari?" napahalakhak pa siya. Inirapan ko siya. "Whatever you want to call it. Basta kailangan kong magpaka-demure nang konti," Napailing-iling na lang siya habang medyo natatawa pa. Nagsilabasan na karamihan ng mga kaklase namin at iilan na lang ang natira. Tinapik ko si Yael sa balikat

