Devour "Alam mo hindi ko alam kung san mismo pupunta. San ba nakakabili ng mga ganun?" Tanong ko nang huminto na ang sasakyan at nagkakalas na kami ng seatbelt. "Hindi ko rin alam," he blandly said. Napalingon ako sa kanya. His face remained void of any emotion. I'm so not used of seeing him like this. Zaid without his teasing grins and smirks is like not Zaid at all. Bumaba na siya nang walang sinasabi. Agad akong sumunod na rin. "Uy, ano bang problema?" concerned na tanong ko. Napatigil siya sa paghakbang. His back is facing me. Inabot ko ang braso niya para maipa-baling siya sakin. Lumapit na rin ako para matignan siya nang maayos. But his gaze was avoiding me. It would look anywhere but me. Even if I'm right on his face already. "May pinagdadaanan ka ba? Kung kailangan mo ng m

