Kabanata 15

1293 Words

Speed Boat Dalawang buwan na akong narito at dalawang buwan na ring nakalayo sa sakit. Unti-unti na ring naghihilom ang sakit na ibinigay sa akin ni Gregory. Sobrang saya ko na hindi ko na siya naiisip. Kung maiisip ko man siya ay hindi na ako umiiyak. Mabuti nga para maging masaya na ako. Hindi man naging madali ang lahat pero nakakatulong ang mga tao na nasa paligid ko, lalong-lalo na ang lugar na ito. “Louise!” Napangiti ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa may buhangin nang makita ko si Pempem na tumatakbo patungo sa akin. “Uy, sama ka sa ‘min, ah!” Hindi ko sinagot ang kanyang tanong at humarap sa malinaw na tubig ng dagat. Gusto ko tuloy maligo. “Ang ganda ng dagat,” sambit ko at pumikit. Umupo muli ako sa buhangin at gumuhit muli ng mga shapes. “Saan ka nag-aaral, Louise?” Um

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD