Floating Cottage Umawang ang labi ko nang makita ko kung saan kami papatungo. Ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng floating cottage. Hindi ko na rin b-in-ig deal ang pagkayakap ko kay Brent dahil natuon na ang atensyon ko sa floating cottage na nasa gitna ng dagat. Mas lalo lang akong na-excite nang makarating na kami. Nakita ko rin ang isang lalaki na sakay sa kanyang bangka na may dalang basket. Hininto ni Brent ang speed boat at naunang bumaba. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapanganga sa sobrang ganda at linaw ng tubig. Gawa ang floating cottage sa kahoy at gawa sa kawayan ang kanyang sahig. May lamesa pa at upuan kaya puwedeng dito ka kakain o magpi-picnic. “Thank you, Manong Edgar,” pasasalamat ni Brent habang tinatanggap ang inabot ng lalaki. Nakaupo pa rin ako sa speed bo

