Bouquet Makalipas ang ilang araw ay naging komportable na ako sa kanya. Matapos niyang malaman na gusto ko rin siya ay mas naging sweet at maalaga siya sa akin. Hindi niya na rin ako sinusungitan at liligawan niya raw ako kahit sinabi ko na hindi na kailangan. Pero masyado siyang makulit dahil ako raw ang magiging unang girlfriend niya. At hindi ko akalain na ang panliligaw niya sa ‘kin ay magiging ganito kabongga. Ngayong umaga, bumungad sa akin ang bouquet ng pulang rosas na nakapatong sa lamesa malapit lang sa kama ko. Kinuha ko ito at tiningnan. Nang makita ko ang isang sticky note ay kinuha ko ito at binasa. ‘Flowers to the woman I love the most. You’re the light of my dark world.’ Lumaki ang ngiti ko at pinigilan ko ang sarili ko na tumili. Bagp ang feeling na ito sa akin lalo na

