Cook “Okay ka lang ba, Hija? Hindi ba masama ang loob mo?” tanong ni Manang sa akin nang makita niya akong nag-iisang kumain. Agad akong umiling at nagpatuloy sa kinakain. Sinalinan niya ako ng tubig sa baso at inilagay sa gilid ko. “Hindi po,” sagot ko at sinubo ang hotdog na nasa tinidor. “Sanay na po ako sa gano’n, eh. Hindi na po bago sa akin ang pagsalitaan ng gano’n.” Tsaka kahit masakit siya sa dibdib ay nainda ko naman. Mas masakit pa pinagsasabi sa akin ni Daddy kaysa sa kanya na bago ko pa lang nakilala. Walang-wala iyon sa akin kahit medyo nakakainsulto. Lumungkot ang mukha ni Manang at tinabihan ako. “Huwag kang masyadong maging mabait, Hija. Lumaban ka rin minsan. Gano’n talaga ang ugali no’n at wala na tayong magawa. Pero huwag mong hahayaan na maapi ka ng kahit sino dah

