Fiesta “Happy Fiesta!” Napangiti ako nang marinig ko ang sigaw ni Pempem sa kalangitan. Ngayon na pala ang pyesta ng kanilang bayan at kahit malayong-malayo pa ay amoy na amoy ko na ang mga usok at naririnig ko rin ang mga masasayang halakhak ng mga tao rito. Hindi ko lubos akalain na ganito pala ang pyesta sa probinsya, ibang-iba. Hinila ako ni Pempem papalapit sa kanya. “Sa amin ka mananghalian, ah? May handaan kami,” maligayang sambit ni Pempem at niyakap ang braso ko. Agad akong tumango at nagpahila na sa kanya patungo sa kanilang bahay. Ang kanilang bahay ay gawa sa hollow blocks at may konting kahoy. Masasabi ko na sobrang simple ng pamumuhay nila at masagana sila sa mga pananim. Hindi na nila kailangan mamili ng mga gulay lalo na’t may sarili silang pananim. Pero nakikita ko nam

