Saved Puti, puting kisame ang bumungad sa akin nang inimulat ko ang aking mata. Binalingan ko ang gilid ko at nakita ko na may dextrose na nakasabit. Ngayon ko lang napagtanto na naaksidente pala ako. Sa sobrang pagkadesperada ko na makatakas sa kasal, ito ang naging resulta. Hindi ko alam kung maging masaya pa ba ako na ngayon ay buhay pa rin ako. Sana namatay na lang ako. Sila ba ang nagligtas sa akin? Sila ba? Kung gano’n ay sana namatay na lang talaga ako, para hindi na ako maghirap. Kasi kahit ano pa ang gagawin ko, kapag nasa kamay pa rin nila ako, wala akong magawa kundi ang sundin ang gusto nila. I hate myself for being weak. I hate myself for being too kind and obedient to them. Sana malakas ako at matatag para malaban ko ang lahat ng ito. Sana may lakas-loob akong sabihin laha

