Run
Niyakap ko na lang ang sarili ko nang maalala ko iyon. He is a damn cheater at pati sarili kong pamilya ay hindi ako pinagbibigyan. They are not concern of my feelings. Humiga na lang ako sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot. Wala na akong ganang mabuhay.
***
Dalawang araw ang nakalipas ay naging busy ang lahat. Ngayon kasi ang araw ng kasal ko. Kung dati ay excited na excited ako, ngayon ay para akong namatayan. No one, not even my mom listened to me. Wala sa kanila ang naniniwala na pinagtaksilan ako ni Gregory. Marami sigurong paraan para iligtas ang kompanya, marami sigurong options, pero ako ang ginawa nilang bayad para maligtas ang kompanya nila. Parang hindi ako tao. Para akong isang robot na walang magawa kundi ang sumunod sa gusto ng amo.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Suot ko ngayon ang mamahaling gown na siyang bagay na bagay sa akin. Sobrang ganda ko ngayon, sobrang ganda ng lahat, lahat ay excited sa kasal namin. Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko at nang mapansin iyon ng make-up artist ko ay natigilan siya at hinarap ako.
“Bakit umiiyak ang bride?” takang tanong niya habang inaayos muli ang make-up ko.
Ngumiti ako ng mapait sa kanya. “W-Wala, m-masaya lang ako.” Nanginig ang boses ko. “K-Kasal ko na k-kasi.”
Ngumiti siya sa ‘kin at pinaharap muli ako sa salamin.
“Sabagay.” Bumuntong-hininga siya. “Sino naman ang hindi iiyak sa saya? Eh, magiging asawa mo ang isa sa mga gwapong binata sa business world.”
Kinagat ko ng mariin ang aking ibabang labi at hindi na lang nagsalita.
Nang matapos niya akong ayusan ay iniwan niya ako saglit kaya nagkaroon ako ng oras na buuin ang plano ko. Hindi ko hahayaan na maikasal ako sa kanya.
“Malapit na mag-start! Kailangan na nating isakay ang bride sa kotse!” narinig kong sambit ng isang organizer ng kasal namin ni Gregory.
Agad lumapit sa akin ang isang kasambahay namin at inaalalayan niya akong makalabas sa kwarto. Siya ang nag-angat sa malaki kong gown dahil halos hindi ako makalakad dahil sa bigat at haba. Diretso lang ang tingin ko sa kotse at laking pasalamat ko na wala pang driver dahil umiihi pa raw.
Kaya nang makapasok ako sa kotse ay dumeretso ako sa driver’s seat at ako na mismo ang nagpaandar. Mabuti at nasa dashboard pa ng susi. Nahirapan ako sa pag-upo dahil sa sobrang laki ng gown ko pero wala akong pakialam. Ang mahalaga ay makaalis ako at hindi matuloy ang kasal.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang natatarantang si Manong kaya agad kong pinaharurot ang kotse.
“Ma’am!” sigaw niya at hinabol pa ang kotse na sinakyan ko kaya mas binilisan ko ang pagmamaneho.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko lalo na’t hindi ako sanay mag-drive. Pero kailangan kong gawin ito para makaalis ako at hindi na matuloy ang kasal. Ito na lang ang tanging magawa ng isang desperadang babae. Diretso ang pag-drive ko sa Compostela road at nang maramdaman ko na may sumusunod sa akin ay mas lalo lang akong nataranta kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ng kotse.
Halos tumigil ang hininga ko habang umu-overtake ako sa mga kotse na binubusinaan na ako dahil sa speed limit. Nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko ay mas lalo akong nataranta. Tumulo ang luha sa aking mata at umiling-iling ako.
“Please, hayaan niyo na ako!” sigaw ko sabay higpit ng kapit sa manibela. “I hate you, Greg! I thought you are the only man who will never hurt me! Pero pareho lang pala kayo!”
Inabot ko ang phone ko na nasa gilid ko at sinilip kung sino ang tumawag. Para akong baliw na tumatawa nang mkita ko ang pangalan ni Greg. In-off ko ang tawag at tinanggal ang battery sabay tapon sa back seat.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa harapan at nakita ko ang kotse ni Gregory. Umawang ang labi ko at muntik ko nang mabangga ang nasa harapan ko.
“Hayaan niyo na ako!” Pinunasan ko ang luha sa aking mata.
Hindi na ako makapag-focus dahil halo-halo na ang aking nararamdaman. Hindi ako masyado makagalaw dahil na rin sa gown ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang makatakas. Napasigaw ako at pinukpok ang ulo sa manibela nang maubusan ako ng gas sa gitna ng kalsada.
Binuksan ko agad ang pinto at akmang lalabas na sana nang maipit ang gown ko sa may upuan kaya bumalik ako sa pag-upo at hinila ang naiipit na tela. Pero natigilan ako nang marinig ko ang paparating na isang truck na mabilis ang pagtakbo. Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Bumilis ang t***k ng puso ko at hindi ako makagalaw sa sobrang gulat.
Huli na nang mapagtanto ko na babangga sa akin ang truck. Naramdaman ko na lang ang pagkabasag ng isang bagay at ang malakas na pagbangga ng truck sa side ng kotse ko. Parang lumabas ang kaluluwa ko dahil sa lakas ng pagkabangga.
Naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo mula sa ulo ko hanggang sa buong mukha. Wala na akong naramdaman hanggang sa naubusan na ako ng hininga.