Simula

1646 Words
Hindi niyo man lang ba naitanong sa inyong sarili kung bakit sobrang unfair ng mundo? Hindi niyo man lang ba naisip o naitanong sa sarili ninyo kung bakit may nakaranas pa rin ng sakit na hindi mo naman dapat sana maranasan? Kung bakit may mga tao pa ring gumagawa ng kamalian kahit alam naman nila na mali sa simula pa lang. Ako, araw-araw kong tinatanong sa sarili ko. May mali ba sa ‘kin? May kulang ba sa ‘kin? Hindi ba ako sapat? Hindi ba ako sapat para maging masaya siya at makontento? Hindi ba ako sapat para maging loyal sa ‘kin? Kulang ba ako? Iyon ang palaging bumagabag sa isip ko. Gabi-gabi, umiiyak sa madilim kong kwarto. Tinatanong ang sarili kung saan ako nagkulang. Hindi na ako makatulog kakaisip. Gregory Sanchez, my boyfriend for two years and now my fiance—cheated on me. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin. Dahil sa ano? Tukso? Dahil ba hindi ko maibigay ang gusto niya kaya naghanap siya ng iba? Naitanong ko na lang sa aking sarili kung mahal ba talaga ako ni Gregory o sadyang pinagtiisan lang niya ako kasi boring ako. Wala akong maibigay sa kanya kundi ang pagmamahal ko lang. Hindi ko maibigay ang gusto niya dahil natatakot ako. Ready na ako na pakasalan siya, kahit alam ko na pinagkasundo lang kami para maligtas ang negosyo ni daddy. Handa na akong harapin ang buhay kasama siya kahit alam ko na bata pa kami. Pero ngayon na ginagago niya pala ako, nawawalan na ako ng gana na pakasalan siya. Hindi ko kayang pakasalan ang lalaking bumasag sa puso ko. Halos ayaw ko nang imulat ang mata ko dahil naalala ko na naman ang eksena na iyon. Kitang-kita ng sariling mata ko, kung paano ako ginago ni Gregory. Kung paano siya nakadagan sa babaeng iyon. Kung paano biniyak ang puso ko sa mga ungol na narinig ko. Naimulat ko ang aking mata nang marinig kong tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at sinilip kung sino. Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang makita ko ang pangalan ni Gregory sa linya. Isang linggo na simula nang mahuli ko siya sa kagaguhan niya at isang linggo ko na rin siyang hindi kinausap. Isang linggo kong dinama ang sakit, hindi ko pinaalam sa lahat dahil alam ko naman na walang makikinig sa ‘kin sa pamamahay na ito. Alam kong hindi magiging madali ang buhay mag-asawa. Alam kong maraming pagdadaanan, pero masyado akong nagtiwala kay Gregory. Masyadong mataas ang tingin ko sa kanya dahil alam ko na siya lang ang lalaking mahal ko at hindi niya ako magawang lokohin. Pero nagkakamali pala ako. Ako lang pala itong kumapit, ako lang pala itong may tiwala sa kanya at sigurado ako na ako lang ang nagmahal sa aming dalawa. Hindi ako sapat para sa kanya. Cheating is a choice, and I was not his choice. Bumangon ako sa kama at naisipan na puntahan ang opisina ni dad. Gulong-gulo ang buhok ko habang papatungo sa kanyang opisina. Kanina ko pa ito pinag-iisipan at nagdadasal ako na sana pakinggan nila ako. Napalunok ako nang nasa tapat na ako ng pinto. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang door knob at pinihit ito para makapasok ako sa loob. Bumungad sa akin ang malamig niyang opisina, kasing lamig ng tingin sa akin ni Dad na ngayon ay nagtataka sa aking presensya. Mabilis na kumalabog ang t***k ng puso ko at napakagat sa ibabang labi. Mahina kong sinara ang pinto upang hindi makagawa ng ingay. Humakbang ako patungo sa kanya habang ang tingin ko ay nasa sahig. Kinakabahan ako pero kailangan kong gawin ito para sa sarili ko. Sana ay may paki rin siya sa nararamdaman ko. “Ano ang ginagawa mo rito?” malamig niyang tanong sa akin nang mag-angat ako ng tingin. Nanindig ang balahibo ko sa tono ng kanyang pananalita. Ito palagi ang kinakatakutan ko, ang kanyang galit na boses. Napalunok ako at pinagmasdan ang kanyang ginagawa. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair habang ang busy sa pagbabasa sa papel na hawak niya. “Dad,” tawag ko sa kanya at huminga ng malalim. Inis na nag-angat sa akin muli si dad. “What is it, Khadijah? Gabing-gabi na at kailangan mo nang matulog dahil malapit na ang araw ng kasal niyo ni Gregory.” Ramdam na ramdam ko ang lamig ng kanyang boses lalo na nang ibinalik niya ang kanyang tingin sa kanyang binabasa. Na-realize ko na wala siyang paki sa akin pero nilakasan ko pa rin ang loob ko at nagbabaka-sakali. Tumulo ang luha ko dahil sa bigat na nararamdaman. Pagod na pagod na akong umiyak pero nasa harapan pa rin niya ako, umiiyak. Sinubukan kong pigilan ang tumutulong luha ko pero hindi ko nagawa. Mas lalong lang itong tumulo. “D-Dad…” nanginginig kong sambit. Kinagat ko ang aking ibabang labi nang mag-angat siya ng tingin. “Ano na naman ang kadramahan ‘to, Khadijah? Huwag mong pasakitin ang ulo ko ngayon. Hindi ko kailangan ng luha mo, pera ang kailangan ko ngayon.” Umawang ang labi ko sa narinig. Sinubukan kong iwala ang sakit na nararamdaman ko pero hindi ko magawa. Sobrang bigat na itong nararamdaman ko at walang nakikinig sa akin. I just want someone to hear me out. “Dad,” lumuluha kong sambit. “G-Greg is cheating on me.” Tinakpan ko ang aking mukha at mahinang humikbi. “And so?” Napasinghap ako at agad tinanggal ang kamay sa mukha. Hindi ako makapaniwala sa narinig. And so? Suminghot ako at inilagay ang kamay ko sa likod ko. “I want to cancel the wedding,” mariin kong sambit. “Ayoko nang pakasalan si Gregory Sanchez, dad!” Marrying Gregory is not the right thing to do anymore. Kahit mahal na mahal ko siya, hindi ako bulag at tanga para balewalain ang kasalanan niya. Pagod na pagod na ako sa buhay at siya ang tanging lalaki na magliligtas sa akin sa impyernong pamamahay na ito. Marrying him was like saving myself, pero nagkakamali pala ako. Pareho lang silang lahat. Napaatras ako nang biglang tumayo si Dad sa kanyang swivel chair at hinampas ang lamesa. “Kasalanan mo ‘yan kung bakit. Huwag mong idamay ang kompanya sa katangahan mo, Khadijah. Kung hindi ka lang masyadong nag-inarte, edi sana hindi ka na luhaan ngayon. Gregory and his family is the only way to save Cruzette Company,” sambit niya at tinaliman ako ng tingin. “Ano ang gusto mong gawin ko? Uunahin kita pero babagsak ang kompanya ko? Hindi ako inutil para unahin ang isang katulad mo! Wala ka nang magagawa, matutuloy ang kasal sa ayaw at sa gusto mo!” Nanlaki ang mata ko at mas lalong tumulo ang luha ko sa narinig. “Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin, Khadijah!” sigaw niya. “Hindi mo magugustuhan! Wala kang ibang gagawin kundi ang pakasalan si Gregory Sanchez!” “Dad, he is cheating on me!” giit ko kahit alam ko na wala na akong laban. Gusto kong magmamakaawa sa kanya. Napaatras ako sa takot nang umalis siya sa kanyang kinatatayuan at lumapit sa akin. Dinuro niya ako. “You can’t do anything, Khadijah! Kasalanan mo ‘yan kasi tanga ka! Kung hindi ka lang naman mahal ni Gregory ay hindi naman ikaw ang ipagkakasundo ko sa kanya! I want my own daughter to marry him, pero dahil gusto ka ng Sanchez na iyon, wala ka nang magagawa.” Nanginginig ako sa takot. Wala na ba talagang paraan para maialis ako sa impyernong ito? “At nag-cheat?” Humalakhak siya at hinampas muli ang lamesa. “That’s your fault, Khadijah! Sa pananamit mo pa lang, talagang maghahanap ng iba ang nobyo mo!” Kumirot ang puso ko sa narinig. Sa pananamit ko pa lang…alam ko na. Bumuntong-hininga si Dad at tinapik ang balikat ko. Nawala na ang galit sa kanyang mata. “Go back to your room and sleep,” mahina niyang sambit at tinalikuran ako. Lumabas ako sa opisina na luhaan. Hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Parang mas pinadama niya pa sa ‘kin na deserve ko ‘yon. Natigilan ako sa paghakbang pabalik sa kwarto ko nang makita ko si Hailey na nakangisi habang nakasandal sa may pader, siguro ay narinig niya ang pinag-usapan namin ni Daddy. “Gregory, cheated?” hindi makapaniwala niyang tanong at lumapit sa akin. Pagod ko siyang tinanguan at nilagpasan siya. Wala akong panahon para makipag-away sa kanya. Pagod na pagod na ako. “Wow, ‘di mo man lang ba ako papansinin?” Natigilan ako sa paglalakad at pinagtagpo ang labi ko. Mahina siyang humaklakhak at nilapitan ako. “Sa bagay, huwag ka na magtaka kung bakit ka ipinagpalit ni Gregory sa ibang babae.” Ngumiti siya sa ‘kin at tinapik ang balikat ko at inayos pa ang buhok ko. “You’re replaceable. Pinagpalit ka nga sa ‘kin ng mommy mo, right?” Hindi ako nakasagot at mas lalo lang akong nasaktan sa narinig. Tumulo ang luha ko nang iniwan niya ako sa hallway na nakatulala. Alam na alam ko ang lahat dahil lahat sila rito ay hindi pamilya ang turing sa akin. Para akong robot na sunod-sunuran. Pati ang mommy ko, wala na ring paki sa ‘kin. The only thing that I wanted is someone who will listen to me, who will understand me…and someone will will unlock the chain in this cage so I would be free. Pero hindi na ako umaasa na meron. I only have myself and the only one who can save me is myself either. Hindi ko hahayaan na maikasal ako. Ayokong matali sa lalaking hindi kuntento sa ‘kin. Ayaw kong magtagumpay sila. The only option I have right now is to run away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD