Engage
“Congratulations!” bati sa amin ng isa sa mga kasosyo ni Dad sa business. “Finally a Sanchez and Cruz will soon to exchange vows, plus the fact that she is your girlfriend, Greg. There’s nothing wrong being fixed to someone you love.”
Ngumiti si Greg sa kausap at hinapit ang bewang ko. “Yes, I am happy that we are going to marry each other.”
Kinagat ko ng mariin ang aking ibabang labi dahil sa kilig. Malaking event ang ginanap kanina dahil bukod sa pag-iisa ng Cruzette at Gcompany, engagement party din namin ito ni Gregory.
“That’s good to hear. Masaya ako na invited ako sa party niyo.”
Napangiti na lang ako at napatingin sa paligid. Hindi pa tapos ang party. Sobrang ganda ng pagka-organize at tingin ko ay pinagplanuhan talaga. Hindi ko akalain na ganito pala ka engrande ang magiging engagement party namin. Ano pa kaya kung ikakasal na kami?
“Greg, naiihi ako,” sambit ko sabay ngiti sa kanya. “Pupunta muna ako sa restroom.”
Hinalikan niya ako sa pisngi bago tumango. Nginitian ko ang mga nakasalubong ko bago ako nagpunta sa restroom para umihi. Nang matapos ay nagtungo ako sa powder room para mag-retouch. Suot ko ngayon ay isang white spaghetti strap dress na hapit na hapit sa aking katawan. Nakalugay ang aking buhok habang suot ko ay four inches heels.
Inilabas ko ang lipstick ko at ngumuso sa harap ng salamin. Nilagyan ko ng red lipstick ang heart-shape lips ko. Habang busy ako sa pag-aayos sa aking sarili ay nakita ko sa repleksyon ng salamin ang pagpasok ni Hailey.
“Congratulations, my dear sister!” Tumabi siya sa ‘kin at tinaasan ako ng kilay. “I hope you are happy with your decision.”
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa aking ginagawa. Hailey was wearing an off-shoulder royal blue dress and her hair was tied up. Ang kanyang labi ay kulay pula na nababagay sa kanya.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglapag ng kanyang clutch bag sa may sink at humarap sa salamin.
“I just hope na magiging kontento si Greg sa ‘yo,” aniya at binuksan niya ang kanyang clutch bag. “ I know Greg so much more than you think, Khadijah. I just hope na hindi ka iiyak sa huli at tatakbo kapag nalaman mo ang totoong kulay niya.”
Ngumiti siya sa ‘kin at nilagyan niya ng lipstick ang kanyang labo.
Ibinaba ko ang lipstick sa kamay ko at kunot-noo siyang tiningnan. “What are you trying to say?”
Nagkibit-balikat siya at kinindatan ako. “Well, kahit hate kita, anak ka pa rin naman ni Mommy, so I am a little bit concern. You don’t need to marry him to save the company, b***h. Don’t be hero ‘cause you’re not.”
Kinuha ko ang clutch bag ko at ibinalik ang lipstick. “Hindi ko alam kung ano ang problema mo sa ‘kin pero huwag kang mag-alala, kapag sasaktan ako ni Gregory, ako naman ang masasaktan, hindi naman ikaw, Hailey.”
Napasinghap siya at hindi makapaniwalang binalingan ako.
“What?” Umiling siya at tinaasan ako ng kilay. “You will cry at the end of the day.”
Inirapan ko siya at tinalikuran na. Hindi ko talaga maatim ang ugali ni Hailey.
“Well, truth hurts naman,” habol niya na ikinatigil ko. Nilingon ko siya at nakita ko na nakasandal na siya sa may sink. “Nagpakontrol ka kasi kay Dad na wala namang paki sa ‘yo. Wala kang ambag sa pamilyang ito at mas lalong hindi anak ang turing sa ‘yo ni Daddy kasi ako lang naman ang anak niya. I am just warning you about Greg because he is not what you think. But then, it’s your choice. Good luck, dear sister!”
***
“Are you happy?” Natauhan ako at biglang bumalik sa reyalidad nang bigla akong tinanong ni Greg.
Iniisip ko kasi ang sinabi ni Hailey. Parang may pinaparating siya sa ‘kin at hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ‘yon. Nasa isip niya ba na lolokohin ako ni Gregory? Dalawang taon na kami ni Gregory at wala namang issue na cheating sa aming dalawa.
Gregory is sweet yet possessive. Hindi ko alam kung ‘yon na talaga siya o may tinatago pa siya. Hindi kami masyado nagd-date sa public kasi he doesn’t want that. Minsan ay nililimitan din ako ni Dad kaya si Gregory pa mismo ang pupunta sa bahay namin so we can spend some time.
Para akong nakakulong sa impyerno and the only think who can save me is Greg. Dahil kapag ikakasal na ako sa kanya, mawawala na ako sa piling nila.
Yumakap ako sa kanyang braso at nag-angat ng tingin sa kanya. “Of course, Greg. I am happy. How about you? Are you happy?”
He chuckled at caressed my hair. “Of course, I am happy, Khadijah. Finally, ikakasal na ako sa ‘yo. Are we still not gonna do it?” umaasa niyang tanong.
Kumalas ako sa yakap niya at malungkot ko siyang tiningnan. “I am not yet ready, Gregory. But I promise, I will give myself to you once na maikasal na tayo. I’m sorry.”
Ngumiti siya sa ‘kin at hinapit ulit ako papalapit sa kanya. “It’s nothing, babe. I was just excited to make you scream on bed,” bulong niya na ikinapula ng pisngi ko.
Tinampal ko ang tiyan niya at sinimangutan siya. “Bastos ka, ah!”
Humalakhak siya at piningot ang pisngi ko. “I was just imagining things, Khadijah. Ano kaya ang mangyayari kapag pauungulin ko ang asawa ko?”
Mas lalo akong namula at lumayo sa kanya. “Tama na nga ‘yan!”
Kinuha ko ang baso na may wine at diretsahang nilagok. Nag-angat lang ako ng tingin sa kanya nang bigla siyang tumayo.
Inangat niya ang phone niya. “May tatawagan lang ako. Dito ka lang.” Lumapit siya sa ‘kin at hinalikan ang pisngi ko bago siya tuluyang umalis.
Nang makaalis na si Gregory ay lumapit naman si Hailey sa akin at umupo sa inuupuan ni Gregory kanina.
Itinuko niya ang kanyang siko sa lamesa. “Ang uto-uto mo rin ‘no? Greg will call his mistress!”
Kumunot ang noo ko. “Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Hailey? Sinabi ko na kanina na huwag mo akong pakialaman!”
“Luh, as if I care.” Inikutan niya ako ng mata. “I don’t even care kung pagtataksilan ka ni Gregory dahil deserve mo naman ‘yon. Masyado ka kasing tanga para hindi ma-observe ang nasa paligid mo. Hindi na ako magtataka kung inuuto ka na. I am just stating the fact. Cheater ang lalaking iyon.”
Iniwan niya ako pagkatapos. Naguguluhan ako habang nakatulala sa table ko. Ano ba ang ibig sabihin ni Hailey?
“Ano ang sinabi ni Hailey sa ‘yo?”
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Gregory. Kunot ang kanyang noo habang umupo muli sa upuan. Inilapag niya ang kanyang phone sa lamesa at nagtataka akong tiningnan.
Nilingon ko siya at nginitian. “Wala naman masyado, Gregory. Alam mo naman ang kapatid ko, ‘di ba?”
Nakita ko ang relief sa kanyang mukha. Bakit? May tinatago ba talaga si Greg? Totoo ba talaga ang parating ni Hailey? Napalunok ako at napatingin sa phone niya na nasa lamesa. Nagtagal ang tingin ko roon bago ako pinasukan ng bagong ideya.
Tumikhim ako. “Greg, puwede mo ba akong kunan ng tubig?” Hinaplos ko ang bandang leeg ko. “ Nauuhaw ako, eh.”
Tumango siya at tumayo. “Sure, wait ka lang, babe.”
Tumango ako at sinundan siya ng tingin. Nang makalayo na siya ay agad kong kinuha ang phone niya at binuksan. Hindi pa pala naka-off ang phone niya kaya nakita ko kung ano ang huling sinilip niya sa phone niya.
Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko ang pangalan na “Honey” sa message niya. Nanginginig ang kamay kong pinindot ito at binalingan ang pwesto si Greg kung saan nakikipag-usap sa sa isang negosyante habang may baso sa kamay niya.
Napatakip ako sa bibig nang makita ko ang mensahe nila sa isa’t isa. Hindi ako makapaniwala sa nakita at nanunubig ang mata ko habang binabasa ko ang kanilang mensahe.
Greg:
I want you tonight. Please be there at my condo unit after my engagement party.
Honey:
Greg, sinabi ko na ayaw ko! Ikakasal ka na. Ipasok mo nga ‘yan sa kokote mo! Please ayoko na!
Greg:
Alright, then your precious Aunt will go to jail. You want that? Maibalik ko siya sa kulungan kung kailan ko gusto, Honey. You will not going to like it.
Greg:
Answer the call.
Greg:
Don’t make me wait, Honey.
Tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mata matapos ko itong mabasa. Hindi ko akalain na ginagago na pala ako ni Gregory. Hindi ko akalain na may ganito pala sa pagkatao niya.
Agad-agad kong ibinalik sa lamesa ang phone niya at agad inalis ang luha sa mata. Napasapo na lang ako sa aking dibdib at napayuko. Nang nasa tabi ko na siya at inayos ko ang aking sarili at tinanggap ang tubig na kanyang dala at agad ininom.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya.
Nagtagal ang tingin ko sa kanya bago ako tumango. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang hirap paniwalaan.
“Hindi pala ako sa condo uuwi. Sasabay ako kay Dad,” sabi niya sabay ngiti sa akin.
Umawang ang labi ko at naalala ang kanyang mensahe sa babae niya. Nagsisinungaling ba siya sa ‘kin para gawin nila ‘yong bagay na ‘yon sa babae niya? Mas lalong kumirot ang puso ko. Kung ayaw na pala niya sa ‘kin, bakit pinatagal niya pa? Hindi naman niya kailangang mag-cheat kung ayaw niya na sa ‘kin. Sana sinabi niya na lang sa ‘kin na ayaw na niya para tapos na agad. Bakit kailangan niya pa akong saktan?
Tumango ako at nagkunwari na kombinsido sa kanyang sinabi. Gulong-gulo ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
“So, I must go first, Khadijah. I love you.”
Akmang hahalikan na niya sana ako nang bigla akong umiwas ng tingin. Nakita ko na nagulat siya pero ngumiti rin kalaunan. Tinuloy niya ang kanyang paghalik sa aking pisngi bago siya tuluyang umalis.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay doon na sumuko ang bigat sa mata ko. Kung totoo man ang sinabi ni Hailey at ang nabasa ko, kailangan kong sundan si Gregory para kompirmahin. Hindi ako matatahimik hangga’t walang malinaw na sagot.