New Car Iniwan nila kami sa dining area na kami lang dalawa ni Gregory. Hindi ko alam kung ano ang e-re-react ko na nandito na siya. Nanatili lang akong nakaupo sa kinauupuan ko, hindi nilingon ang lalaking nanloko sa ‘kin. “Babe—” “Huwag mo nga akong tawaging ganiyan!” pagputol ko sa kanya. Nanginginig na ang buong katawan ko sa inis at galit. Kahit wala na akong nararamdaman sa kanya, hindi ko pa rin maiwasan ang magalit sa kanya. Kung ayaw niya sa ‘kin at gusto niyang mambabae, hindi na namin kailangan magpakasal! Kung gusto niyang tulungan si Daddy, hindi na niya ako kailangan pakasalan. “Khadijah…I’m sorry…kung nakita mo ‘yon, pero tapos na kami…” Hahawakan niya na sana ang braso ko ngunit inilayo ko ito sa kanya at hinarap siya. “Ano bang gusto mong mangyari? Na magpapakasal ak

