Back Sampal. Sampal ang ibinungad sa akin ni Daddy nang makita niya ako muli. Galit na galit ang kanyang mukha nang sinugod niya ako sa kwarto ko at diretsahang sinampal. Hinila pa siya ni Mommy papalayo sa akin. Sobrang sakit ng sampal niya pero sanay na sanay na ako. Bakit pa ako magugulat? “Theodore, tama na!” Umiiyak na si Mommy habang pinapatigil si Daddy sa paglapit sa akin. “Bitiwan mo ako, Loisa! Kailangan maturuan ng leksyon ang anak mong sutil!” sigaw niya pero mas lalong humigpit ang hawak ni Mommy kay Daddy. Umiiling ito. Sumikip ang dibdib ko nang makita kong umiiyak ang Mommy ko sa harapan ko. Hindi ko siya nakita na umiyak nang dahil sa akin. Hindi ko pa siya nakita. Inigting ko ang bagang ko at tiniis ang sakit sa pisngi. Hinarap ko si Daddy gamit ang aking matatapang

