Sister “You want to come?” tanong ni Brent sa akin habang yakap-yakap niya ako. Nanonood kami sa may living room ng TV. Nakadantay pa ang paa niya sa paa ko kaya medyo nangangalay ako. “Saan?” sabi ko sabay nguya sa popcorn na nasa gilid ko lang. “Sa bahay ng Mayor. I think kailangan na kitang dalhin doon…so they will stop linking me to Nathalia,” aniya sabay laro sa aking buhok. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Gusto ko rin makita ang bahay ni Mayor at tingin ko ay pagtitimpian ko na lang ang ugali ni Nathalia lalo na’t ayaw no’n sa akin and she always think and proudly say na sa kanya si Brent. May gano’n pa pala na babae? “Kailan ba?” Nilingon ko siya. Wala na ang tingin sa TV kung ‘di nasa akin na. Nag-iwas agad ako ng tingin at napalunok. “Ngayong hapon…” bulong niya sa tainga k

