Surprise Ilang linggo na ang nakalipas simula nang pumunta kami ni Brent sa Kawasan falls. Ang dami naming pictures na kailanman ay hindi na-post sa social media. Hindi rin naman ako into media and same as Brent. Ngayon na naging busy na si Brent, siguro dahil nga may work siya, ay hindi ko inaaksaya ang oras para paghandaan ang kanyang palalapit na birthday. Marunong akong mag-bake ng cake at pasekreto rin akong bumibili ng mga ingredients. Ayokong malaman niya na gumagawa ako lalo na’t surprise ito para sa kanya. Ang sabi kasi ni Manang Eula ay hindi nagce-celebrate si Brent ng kanyang birthday. Nalungkot ako sa kwento ni Manang lalo na’t may alitan din pala ang Daddy ni Brent at si Brent mismo kaya siya nagiging independent. Kaya mag-e-effort ako para naman maging memorable ang birthd

