Falls “Hindi ko akalain na ipagtatanggol mo kami kay Nathalia. Na-real talk mo!” natatawang sambit ni Pempem habang hinihila ako patungo sa may mga street foods. Nasa likuran lang namin ang dalawa niyang kapatid na nag-uusap sa ibang bagay habang kami ni Pempem ay pinag-usapan ang kanina. Hindi rin ako palasalita at palagi lang akong mapagkumbaba. Pero kung gano’n din naman ang sitwasyon, hindi ka dapat mananahimik dahil baka akala nila ay ang dali-dali mo lang. Tingin nila ay talong-talo ka na. Kung tama ka, dapat isabi mo ng hindi nakapanakit ng kapwa. Nathalia also needs to learn about that. Kasi people are also looking at her lalo na’t nasa politiko ang Ama niya. Hindi siya dapat gano’n umasta. Hindi dapat. “Kikiam! Buko Juice!” sambit ni Pempem sa may tindero na ngayon ay inaasika

