Trust Matapos ang kainan ay nagkasiyahan ang mga tao. Nagrenta pa ang mga magulang ni Pempem ng isang karaoke. Meron ding nag-iinuman at naririnig ko ang kanilang masayang halakhak. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga tao. Pati ang mga bata ay masayang kumakain at ang iba ay umiinom ng softdrinks. Ang sarap nilang kunan ng litrato. “Hindi ko na maubos,” sambit ko kay Brent at kinalabit pa siya. Nandito kami ngayon sa sala. Hawak-hawak ko ang pinggan ko na may kaunting lechon pa at kanin. Binalingan ako ni Brent at agad kinuha ang kaunting kanin at natirang lechon sa pinggan ko at inilagay niya sa plato niya. Nginitian ko siya at ininom na ang coke. Dumating si Pempem na may dalang mango float na malamig na. “Kain ka nito, Louise!” aniya at inilapag sa lamesa ang mango float. I

