Hear Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa gabing iyon. Nakita ko talaga si Jacob, one of Gregory’s trusted men. Alam kong siya iyon, alam na alam ko. Kahit nakauwi na kami ni Brent ay hindi ko pa rin mapigilan ang mangamba. “Don’t worry, hindi sila makakaabot dito,” aniya. “I already told some of my men to roam the whole area.” Wala sa sariling tumango ako habang hawak ko ng mahigpit ang kamay kong nanlalamig na sa kaba. Narito na sila sa Badian at kapag gagala pa ako, ay baka makita nila ako. Hindi ko kakayanin iyon. Balisang-balisa ako rito sa sala habang pinagmamasdan ako ni Brent. Narinig ko ang kanyang mahinang paghinga at hinawakan ang mukha ko. Ang kanyang mata ay seryosong-seryoso na nakatingin sa akin at ang kanyang kilay ay nakasalubong. “Hindi ka nila mahahanap. Tr

