Girlfriend Three hours ang byahe namin patungo sa City. Ang akala ko ay public plane lang ang sasakyan namin pero hindi ko akalain na may private plane pala si Brent. Hindi ko lubos maintindihan kung kaya’y akala ko ay sakto lang si Brent, na hindi siya masyadong marangya. Hindi naman niya ito pinalandakan pero sa nakikita ko ngayon, napagtanto ko na hindi ko pa talaga siya masyadong kilala. Sino nga ba si Brent at ano ang totoong buhay niya? “Brent!” tawag ko sa kanya nang makalabas kami sa van. Nakita ko ang pagsenyas ni Brent sa isang lalaki bago ako nilingon. Kunot ang noo niya habang nakatingin na sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa kanyang kagwapohan. Kung si Gregory ay may lahing Koreano, si Brent naman ay parang may lahing Amerikano. Maybe ha

