PAGDATING NAMIN SA bahay, agad akong nagbihis. Nang matapos, parang may kuryente sa katawan ko, kaya’t mabilis akong tumalon sa kama. Habang nakahiga, agad kong kinuha ang aking phone at binuksan ang InstaGlow account ko. Dito ako madalas magbabad—para lang makasabay sa mga nangyayari sa buhay ng mga kakilala ko. Aminado ako sa sarili ko na parang mas magaan ang pakiramdam kapag alam ko kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Mas mabuti ng may alam kaysa maging bulag sa katotohanan. Sa social media, hindi lang buhay ng mga kakilala ko ang makikita ko. Pati na rin ang mga isyu sa buong mundo. Kaya siguro, minsan, hindi ko na rin napapansin kung gaano ako kadalas magbabad sa InstaGlow. Isang paraan na rin ito para makatakas saglit mula sa mga abala ko sa buhay. Mahirap na kung masiraan ako

