KABANATA 10: SA LOOB NG SASAKYAN

1175 Words
NAKAUPO AKO SA passenger seat ng sasakyan ni Kuya Liam, tahimik na naghihintay na matapos siya sa pinuntahan niyang cafe. Binisita lang niya sandali ang kanyang negosyo, at alam kong pagbalik niya, may dalang bagong pagkain para sa aming dalawa. Isa sa mga araw-araw naming routine ay ang milktea at isang pastry mula sa cafe niya. Malakas ang cafe niya rito sa unibersidad, at hindi lang dahil sa kalidad ng kape. Ang ambiance kasi ng lugar ay nakakaakit—maaliwalas, may mga malalaking bintana, at may mga malalambot na upuan na perfect para sa mga estudyanteng abala sa kanilang mga school papers. Habang hinihintay ko siya, hindi ko maiwasang mapangiti. Parang nangati pa nga ang labi ko habang iniisip ang ngiti niya kanina. Ang saya-saya niya nang marinig ang sagot ko tungkol sa lalaking gusto ko. At alam ko, kahit hindi siya nagsalita, may kung anong tingin sa mga mata niya na nagsasabing siya ang tinutukoy ko. Hindi ko dapat kalimutan na may epekto ako sa kanya. Doon pa lang, panalo na ako. At doon pa sa tanong niya roon sa pool—sigurado akong may kinalaman iyon sa nararamdaman ko para sa kanya. Naiintindihan ko kung hindi niya kayang sabihin nang diretso. Kumplikado kasi ang sitwasyon naming dalawa. Nang nakita ko si Kuya Liam na papalapit na, lalo akong napangiti nang makita ko ang dala niyang pagkain. Napakasarap ng mga pastries mula sa cafe niya, at ang mga iyon ay galing pa sa isang pastry chef na matagal nang kaibigan ni Mommy. Pagbukas ng pinto ng sasakyan, dumiretso agad ang mga mata ko sa center of attraction ng katawan ni Kuya Liam. Pero mabilis ko rin iniiwas ang tingin ko. Baka lang mahuli niya ako. Kahit naughty ako, may kunting hiya rin naman ako minsan. Minsan lang talaga. Pagkaupo ni Kuya sa sasakyan, inabot niya agad ang mga pagkain na dala niya. Mabilis akong pumili ng isang ensaymada at ng isang klasikong milktea—ayoko kasi ng mga komplikadong inumin. Para sa akin, hindi na natitikman ang essence ng milktea kapag maraming halo. “Pasensiya ka na kung natagalan si Kuya,” sabi ni Kuya Liam, may kasamang alalahanin sa boses. Napangiti ako at ipinakita ko ang milktea. “Magagawa ko pa bang magalit kung meron naman akong ganito?” “Mabuti naman,” sagot niya bago tumingin sa akin. “Kumain na muna tayo.” Napatango ako at sumagot, “Okay po.” Bigla siyang nagsalita, ang tono niya ay seryoso. “Hindi pogi iyong si Tyrone. Hindi siya bagay sa iyo.” Napalingon ako sa kanya, at may kilig na hindi ko kayang itago. “Gwapo naman ‘yon. Pero ano ba, ‘wag mo na siyang isipin. Again, he was never my type.” “Paano kung bobolahin ka lang ng lalaking iyon? Paano kung bumigay ka at magpatalo ka sa mga pangako niyang walang katotohanan?” sunod-sunod na tanong ni Kuya, ang tono ng boses niya puno ng pangamba at alalahanin. Nakangiti akong tiningnan siya, at hindi ko maiwasang mag-isip. Baka nga natatakot siya—natatakot na baka mahulog ako kay Kuya Tyrone. Para bang may bahagi ng puso ko na nagsasabing kaya ko pang kontrolin ang mga nararamdaman ko. Kaya siguro ganito ang ugali ni Kuya, ayaw niyang mawala ako sa kanya. Kung tungkol kay Kuya Tyrone, baka mas mabuting matakot siya—huwag niyang gawing biro ang pakiramdam ko. Baka ito na ang pagkakataon na magtamo siya ng takot, takot na baka maghanap ako ng ibang makakapagbigay sa akin ng higit pa. “Pero depende pa rin ‘yan sa mga bola ni Kuya Tyrone sa akin, Kuya,” sagot ko nang may bahagyang pang-aasar. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya, sapagkat may mga salitang hindi ko kayang itago. “Alam mo naman, Kuya, kaming mga babae—madali lang mapaniwala ng mga lalaki.” Nagpatuloy ako, “Pero hindi naman siguro ako maaagaw ng iba, lalo na kung iyong totoong mahal ko, hihinto na siya sa pagpapanggap. Sana lang hindi niya isipin na bata ako at matanda siya.” Mabilis kong tiningnan ang mga mata ni Kuya. Kitang-kita ko ang biglang pamumula ng kanyang pisngi, at hindi ko maiwasang matuwa. “Kung sakaling nagpaparamdam siya sa iyo? Maghahanap siya ng pagkakataon na gawin iyon. Matutuwa ka ba?” tanong niya, ang tono ng boses niya ay malambot at medyo naguguluhan. Napangiti pa ako nang makita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at ngumiti. “Baka nga bigyan ko agad siya ng anak, Kuya. Matanda na siya, ‘di ba?” sabi ko. Tiningnan ko siya nang may pansin, at nakapansin ako ng isang ngiti na unti-unting umusbong sa kanyang labi—isang ngiti na nagbigay-kulay sa puso ko. Ang saya na nadama ko, hindi ko kayang ilarawan. Para bang ang libo-libong salita ay kulang upang matumbasan ang saya na sumabog sa aking dibdib. “Akala ko ba ayaw mo kay Kuya Tyrone dahil matanda na siya? Pero bakit doon sa totoong mahal ko, hindi ka galit? Kung tutuusin, mas matanda pa iyon sa kanya ng dalawang taon. Magkasing-edad kayo ng lalaking mahal ko, ’di ba?” Napakamot siya sa kanyang batok. “K-Kasi… iyon ay mahal mo talaga.” Naramdaman ko ang matinding kabog sa dibdib ko habang tinitingnan siya. “E, edi mamahalin ko na lang si Kuya Tyrone,” pinal na sabi ko. Hindi ko na kayang pigilan ang pagtawa ko nang makita ko siyang nagkasasalubong ang mga kilay. Para bang may kakaibang tensyon sa kanyang mukha. Sa puntong iyon, natutunan kong hindi lang ako basta-basta nag-assume; tila ba pinatunayan ng kanyang reaksiyon na may laman nga ang lahat ng iniisip ko. “A-Anong mahalin? Gwapo pa ako roon,” sabi niya, sabay hawi ng buhok sa gilid ng kanyang mukha, isang pahayag na puno ng matinding tiwala sa sarili. Napapikit ako ng bahagya at iniwas ang tingin ko sa kanya. Para bang hindi ko kayang harapin ang mga salitang iyon. Hindi ko na natiis at kinagat ko ang ibabang labi ko. Sa mga salitang lumabas mula sa kanyang bibig, si Kuya Liam, ipinagmalaki pa niya ang sarili niya. Mas gwapo raw siya kaysa kay Kuya Tyrone? Hindi ko alam kung natutuwa o nahihirapan ako sa mga sinabi niya, pero alam kong totoo. Siya nga ang pinakamagandang nilalang na nakita ko. Siya ang dahilan kung bakit sumisikip ang dibdib ko. Siya ang dahilan ng mga lihim na pagnanasa ko. Siya ang gusto ko. Siya ang gusto kong kainin nang buo. Roarrr! “W-What I mean… kung magmahal ka, dapat mas gwapo pa sa akin. Ayaw ko lang na ma-intimidate siya sa akin kung makita niya ako,” katuwiran ni Kuya. Parang sasabog ang puso ko. Puno ng init ang aking katawan, at hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko. May kakaibang pwersa na pumapalibot sa amin. Pakiramdam ko, isang kalabit lang niya sa akin, yes agad ang lalabas sa bibig ko. “Potang ina, Kuya! Galawin mo na ako,” sabi ko sa isipan. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD