“THANK YOU, NIANA,” sabi ng mga kasamahan ko sa Research.
Nagbigay ako ng isang matamis na ngiti. “Maliit na bagay. Sige na, at mauna na ako. Pupuntahan ko muna ang mga kaibigan ko.”
“Thank you again,” sabi ng isa sa mga kasamahan ko.
Tinapik ko siya sa balikat. “Para sa grades, laban.”
Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at tinalikuran ko na sila. Sigurado akong hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. Natagalan kasi ako dahil ipinaglaban ko talaga ang bagong title ng research na napili kong talakayin namin ng mga kasamahan ko. Katulad nang sabi ko noong isang araw, ang babaw at gasgas ng title na napili nila. As a competitive student, kailangan ko ng bumoses. Worth it naman ang ipinaglaban ko dahil naipaglaban ko ang bagong title namin.
Habang naglalakad ako patungo sa cafeteria, ramdam ko ang kabuntot na kasiyahan sa sarili ko. Hindi madali para sa akin ang magboses sa mga grupo, lalo na’t medyo tahimik lang akong tao sa unibersidad. Nagsasalita lang kinakailangan. Pero sa pagkakataong iyon, hindi ko na kayang manahimik. Kailangan ko ng makuha ang respeto nila, at kailangan ko ng mga bagay na magpapakita na may halaga rin ako bilang estudyante. Hindi ko alam kung may epekto ba ang pinili kong gawin, pero alam ko sa sarili ko na nagtagumpay ako.
Ang mga hakbang ko sa buhay, kahit simple lang sa iba, may mas malaking kahulugan sa akin.
Pagdating ko sa cafeteria, agad akong napansin ng mga kaibigan kong paminta. Paminta ang tawag namin kina Eros at Astro, hindi dahil sa panghuhusga, kundi dahil sa kanilang sariling style—may pagka-manly pa rin ang ayos nila. Kung hindi pa nila inamin sa amin na magkarelasyon silang dalawa ay hindi namin malalaman na mga bading pala sila.
Ngunit noong inamin nila sa amin ang tungkol sa kanilang dalawa, tinanggap namin sila nang buo. Sila lang din naman ang nakakaalam ng mga sekreto ko.
Sila ang unang nakaaalam ng nararamdaman ko para kay Kuya Liam. Kahit hindi ko pa rin lubos na naiintindihan ang sarili ko, hindi nila ako hinusgahan. Ibinigay ko ang lahat ng totoo sa kanila, at ramdam ko ang tiwala nila sa akin. Sa kabila ng lahat, sila pa rin ang mga kaibigan ko na hindi ako tatalikuran. Hindi nila ipinagkait sa akin ang kanilang suporta, at sila lang ang mga tao na alam kung sino talaga ako.
Sina Eros at Astro, pareho silang gwapo, kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kanila, pero kami lang ang nakakaalam ng tunay nilang relasyon. Sila na lang din ang nakakaalam ng lahat ng tungkol sa amin, at sa pagkakaibigan naming apat, wala kaming itinatagong lihim. Kami ang unang pamilya para sa isa’t isa.
“Hey, Niana, anong nangyari? Parang ang tagal mong umalis ha?” tanong ni Eros, habang tinitingnan akong nakatayo sa may pinto ng cafeteria.
“Hindi naman ganoon kadali mag-defend, ‘di ba?” sabi ko, biniro siya, sabay tawa.
“Defend na naman sa title?” tanong ni Astro, na tila may alam na kung bakit ako natagalan.
“Alam ninyo naman ang issue ng research title namin, ‘di ba? Kaya iyon, binago ko. And at least, worth it ang ipinaglaban ko.”
Nagkatinginan sina Eros at Astro, at may napansin akong hindi pagkakaintindihan sa kanilang mga mata. Pero sa huli, nagbigay sila ng isang malalim na ngiti na walang saloobin, at sabay nilang sinabi.
“Oo na.”
“’Wag kang masyadong magpapadala sa research na iyan. Ang hirap talaga kapag matalino. Ginagawang kumplikado ang buhay.”
Napatawa ako. “Grabe ka!”
“Kumplikado talaga. Ginusto ba naman ang kapatid,” sabi ni Eros, at tumawa silang tatlo.
Napaisip ako, pero hindi ko na pinansin. Ibinukas ko sa kanila ang aking nararamdaman, at kahit sa simpleng biro, alam kong may suporta sila sa akin. Ganoon naman lagi ang magkakaibigan, ‘di ba?
Sa totoo lang, wala nang mas hihigit pa sa pagkakaibigan na walang paghuhusga, at sa mga kaibigan ko, alam kong nahanap ko ang mga taong walang sawang tatanggap sa akin sa kabila ng lahat ng kalituhan ko sa buhay. Hindi ko na kailangan pang itanong kung ano ang magiging mga susunod na hakbang ko sa buhay ko. Kasi, sa mga taong ito—sa kanila ko natutunan kung paano magtiwala.
Umupo ako sa tabi ni Xienna, ang babaeng kaibigan ko. Naramdaman ko agad ang init ng kanyang presensya, at habang nakaupo kami, napansin ko na wala pa silang in-order na lunch. Napangiti ako sa katotohanan na hinintay talaga nila akong tatlo. Ang swerte ko talaga sa kanila, na sa kabila ng lahat ng stress sa school, ako pa rin ang pinapahalagahan nila.
Si Xienna, na may pagkamataray sa ibang tao, pero kilala ko bilang mabait at malambing na kaibigan. Napakaganda rin iyang babae at hindi mayabang kahit ang yaman ng pamilya nila.
Napatayo na sina Eros at Astro. Sa aming grupo, silang dalawa ang laging bumibili ng pagkain para sa amin. Sila yung tipo ng mga kaibigan na hindi kami pinapalampas—lagi nilang iniisip kung anong gusto namin. Para tuloy kaming mga prinsesa na walang ginagawa kundi maghintay, habang sila ang abala sa lahat ng bagay. Minsan nga, hindi ko na alam kung paano ko sila pasasalamatan dahil sa pagiging maalaga nila sa amin.
“Chicken at burger lang akin, Eros,” sabi ko.
“No rice?” tanong ni Eros, may halong pagtataka sa tono ng boses.
“Seryoso ka ba talaga sa diet mo? Akala ko nagpapansin ka lang sa post mo? Iyong kunwari tabang-taba na sa sarili, pero ang totoo, gusto lang ng papuri,” dagdag pa niya, na parang may pinipilit na biro.
Napahalakhak ako. “Hoy!” sagot ko, at natawa din sila.
“The one and only attention seeker na tanggap ko,” sabi ni Xienna, sabay tapik sa aking braso.
Si Astro, na kanina pa tahimik, hindi na nakasagot at natatawa na lang. “She felt attacked,” aniya, sabay taning sa gitna ng tawanan.
Habang pinapansin ko ang reaksyon nila, napansin ko na si Xienna at si Astro ay tinitigan ako nang may kabuntot na pansin. Si Eros, bagama’t matigas ang mukha, hindi rin maiwasang mapangiti kapag ganoon kami magkakasama.
“Kilalang-kilala ninyo talaga ako,” sabi ko na parang nagtatanggol sa sarili. “Pero para kay Kuya Liam lang naman iyon, eh.” Ang huling bahagi ng sinabi ko ay may kabuntot na kalakasan ng tinig, at hindi ko rin maiwasang mag-slightly cringe sa sarili ko. Alam ko kasing sa kanila ko lang maipapahayag ang mga ito nang buo.
Si Xienna, na palaging astig at chill, nagkibit-balikat. “Okay lang. Alam naman namin na iba ka pagdating kay Kuya Liam,” at sabay tawanan kami.
Si Astro naman, na minsang seryoso ngunit may hilaw na kabaliwan sa pag-uusap, “Basta sa ating apat, ikaw lang ang nagkakagusto ng kapatid,” sabi pa niya.
At sa huli, natatawa kami lahat, kahit na ako, si Eros, at si Astro, ay hindi maiwasang magsalubong ang tingin. Alam ko, nararamdaman nila ang nakatagong saya ko, pati na rin ang isang maliit na kaba. Dahil kung totoo, hindi ko pa rin sigurado kung anong mangyayari sa nararamdaman ko para kay Kuya Liam, pero sa mga kaibigan ko, sa mga sandaling ito, alam kong makakayanan ko ang lahat.
Nang tuluyan nang nasabi ni Xienna kung anong pagkain ang gusto niyang kainin, agad na umalis sina Eros at Astro. Sa pagkakataong iyon, kami na lang ni Xienna ang natira, at nabigyan kami ng pagkakataon na magkausap nang masinsinan. Ibinahagi ko sa kanya ang nangyari noong nakaraang araw, ang tanong na ibinato ni Kuya sa akin. Naalala ko pa kung paano niya ito binitiwan, at sa bawat salitang lumabas sa bibig niya, may kakaibang pakiramdam akong dumapo sa aking dibdib.
Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit, pero naramdaman kong may kakaibang kabog ang puso ko nang marinig ko ang tanong niya. Nang itanong ko kung anong ibig niyang sabihin, sinagot niya ito nang pabiro, ngunit may bahid ng kaseryosohan na hindi ko matukoy. Bagamat hindi ako kumbinsido sa sagot niya, hindi ko na ito pinilit pa. May naramdaman akong kaba, isang pakiramdam na hindi ko kayang ipaliwanag. Parang may isang bahagi ng aking puso na nag-aalangan, ngunit hindi ko matukoy kung ano talaga iyon.
“Maghinay-hinay ka, Niana. Baka nag-assume ka lang,” sabi ni Xienna, na tila may pag-aalala sa tono ng boses.
“Nope. Iba, eh. Parang may alam na siya. Feeling ko, yung tanong niya—'Bakit ako ang gusto mo?'” tugon ko, nagsusumigaw ang puso ko ng mga tanong na hindi ko maipaliwanag.
“Kung alam man niya, siguro naman maiilang siya,” sagot ni Xienna, pero mukhang may pagdududa rin sa kanyang mata.
“Pero paano kung hindi? Xienna, may hindi pa akong nasabi sa inyo,” sabi ko, na para bang may isang lihim na bumangon mula sa aking dibdib na hindi ko kayang itago pa.
Nagkunot ang noo ni Xienna, tila naguguluhan. “Ano iyon?”
“Basta, ‘wag mo muna akong husgahan, okay?” tugon ko, medyo kinakabahan sa ideya ng pagkakaroon ng mas malalim na pag-usapan.
“Kilala mo ako, Niana. Pero depende pa rin ‘yan, ha? Hindi kami mga santo para hindi kami manghusga. Hindi ka namin hinusgahan na gusto mo si Kuya, kasi hindi naman kayo magkadugo,” sagot ni Xienna, na may halong seryosong tono.
“Natatakot na tuloy ako na sabihin ito sa iyo, baka mahusgahan mo ako,” pabirong sabi ko, pero naramdaman ko ang tunay na kaba sa aking puso.
“Alam ko na,” sagot ni Xienna, ang kanyang mga mata sumisilip ng malalim sa aking mga mata. “Nagpagalaw ka kay Kuya? Dumating ka na ba sa puntong iyon, Niana?”
Napailing ako, pilit tinatanggi ang kanyang hinala. “Hindi pa, ah. Nilandi ko lang. Wala pang nangyayari sa amin, pero... alam ko may epekto ako sa kanya. May matindi siyang reaksyon sa mga ginagawa ko sa kanya.”
Napabuntonghininga si Xienna at tumingin sa akin nang matalim. “What the f! Umabot ka na talaga sa puntong ganoon? Paalala lang, ha? Paano kung kumagat siya? Paano kung mabuntis ka? Niana Kaye Montes, eighteen f*****g years old ka pa lang. Jusko! Lagot ka kina Eros at Astro, isusumbong kita.”
“Hey! ‘Wag mong sabihin!” sagot ko, takot na baka malaman nila.
“N-Nope. They need to know. Makikinig ka ba sa akin kung ako lang ang babanat sa iyo? Mas mabuti ng may kakampi ako,” wika niya, taas ang kilay at may kalakip na seryosong tono.
“Xienna, please? Kung anu-ano na naman ang sasabihin ng dalawang iyon. Baka masaktan lang ako,” pakiusap ko, ang boses ko may halong takot at kaba.
Napangiti siya, ngunit may halong pagkabahala sa mga mata. “Kaibigan mo kami, Niana. Nag-aalala lang kami sa iyo. Admiring is okay, pero seducing? Ibang usapan na iyon. Hindi namin pwedeng balewalain ‘yan.”
Hindi na ako sumagot. Ramdam kong buo na ang desisyon ni Xienna na isusumbong ako sa mga kaibigan namin. Wala na akong magagawa kundi maghanda sa mga magiging reaksyon nila. Sigurado akong malalagot ako sa kanila. Mas mabuti pang ihanda ko na ang sarili ko sa kung anuman ang sasabihin nila, o kung paano nila ako huhusgahan.
Pagdating ng mga kaibigan namin, hindi na nakatago ang mga mata nilang mabilis na napansin ang aming itsura. Ang puso ko ay parang naglalagablab na sa bilis, at hindi ko na kayang itago ang kaba sa aking katawan. Halatang-halata kay Xienna na wala itong balak magpigil o magtago ng anuman.
“Anong nangyari sa inyong dalawa?” tanong ni Eros, sabay upo sa tapat namin. Ang mga mata niyang nagsusuri ay tumagos sa aming mga mukha, nag-aabang ng sagot.
Nilingon ako ni Xienna, at may kunting pagpapatawa sa labi. “May inamin sa akin ang gaga.”
Napalingon si Astro sa akin, ang mga mata niyang punong-puno ng pagdududa. “May kahibangan na naman ba?”
“Malala na ito, eh. Inaakit niya raw si Kuya Liam,” sagot ni Xienna.
Napatawa si Eros, tila hindi makapaniwala sa narinig. “Wala na! Nababaliw na talaga ang kaibigan natin.”
“Kating-kati na talaga, Niana? Kakaiba ka rin, ‘no? Paano kung papatulan ka?” tanong ni Eros, ang mga mata niyang naglalaro sa mga posibilidad, parang gusto pang magpasok ng dagdag na kalokohan.
Napabuntonghininga si Xienna, ang mga mata niya punong-puno ng pang-unawa at pag-aalala. “Iyon nga ang sabi ko. Papatulan siya at mabuntis siya.”
“Magaling naman si Kuya, eh. Sa dami ng mga babae na dumaan sa kanya, wala naman siyang nabuntis,” sabi ko, pilit ipinaglalaban ang aking punto.
Napalingon ang tatlo sa akin, ang kanilang mga mata hindi na kayang itago ang pagkamangha. Para bang hindi nila matanggap ang mga sinabi ko. Napayuko na lang ako, takot na baka may masabi pa silang iba o kung ano pa ang mga reaksyon nila. Hindi ko kayang makita ang mga galit o pagkabigla sa kanilang mga mukha.
Bumangon ang kaba sa dibdib ko, at pati ang mga kamay ko ay nagsimulang manginig. Natatakot din ako sa magiging reaksyon nila, kung paano nila ito tatanggapin. Parang may mga tanong na nagsimula nang lumitaw sa kanilang mga mata, at mas akong natatakot sa mga posibleng tanong na susunod.