KABANATA 6: BAKIT AKO?

1606 Words
NAKATINGIN LANG AKO sa kisame habang nakahiga, nakataas ang kilay at nakakunot ang noo. Mula sa kabilang kwarto, narinig ko ang malakas na kalampag. Alam ko na kung ano ang nangyayari roon, pero hindi ko na lang babanggitin. Alam ko rin na lalo lang akong maiinis kung iisipin ko pa ang bagay na iyon. Mas maiinggit lang ako. Kung pwede lang sana, babangon ako ngayon mismo at susugod sa kwarto ni Kuya. Baka sakaling matigil ko ang ginagawa nila—lalo na ang babae niya. Nakarami na siya, at kung totoo man ang karma, dapat noon pa siya tinamaan. Mula ngayon, isinusumpa ko ang lahat ng may pangalang Gianna. Tatanda silang dalaga—iyon ang hiling ko. Napahinga ako nang malalim at napataas muli ang kilay. Sandali… hindi ko na dapat dinadamay ang lahat. Paano ang mga inosenteng Gianna? Kawawa naman sila. Ang totoo, hindi ko kayang isumpa ang sinuman, lalo na ang mga walang kasalanan. “Bawiin mo ‘yon, Niana,” mahina kong sabi sa sarili ko. Hindi kailanman dapat mangyari iyon. Para tuluyang mawala ang inis ko, bumangon ako mula sa higaan. Imbes na magpakain sa galit, naisip kong mas mabuting maligo na lang sa pool. Baka sakaling malamigan ang ulo ko, pati na rin ang puso kong tila nauubusan na ng pasensiya. Paglabas ko ng kwarto, kinuha ko agad ang tuwalya at nagtungo sa likod ng bahay. Habang hinihintay kong umapaw ng tubig ang pool, naalala ko ang isang bagay na mas dapat kong pagtuunan ng pansin—ang research title namin. “Tsk!” Napabuntonghininga ako. May naisip na sana ang kasama ko, pero ang totoo, ayaw ko. Ang babaw ng proposal niya, at gasgas na gasgas ang tema. Wala bang bago? Parang kulang sa utak. Ako kasi, gusto ko ng kakaiba. Ibang klase kung makapag-isip. Kaya nga kahit sabihin nilang wild akong babae, alam nilang iba ang laban ko pagdating sa pag-aaral. Competitive ako, at hindi ko kailanman hahayaang maungusan ng kahit na sino. Pero ngayon, sa totoo lang, naiirita ako sa sarili ko. Bakit ba ganoon? Bakit parang palagi na lang akong nagpapakakomplikado sa buhay? Una, gusto ko ang kapatid ko. Pangalawa, ang research title namin na gusto kong baguhin. “Naiinis na rin ako sa sarili ko,” bulong ko habang sinasampal ng malamig na tubig ang pisngi ko. Ewan ko ba, pero ito yata ang paraan ko para bumalik sa tamang direksyon. Nang umapaw na ang tubig sa pool, nilublob ko na ang sarili ko. Ramdam ko ang malamig na haplos ng tubig sa aking balat. Kahit paano, unti-unting gumaan ang bigat sa dibdib ko. Iba talaga ang nagagawa ng malamig na tubig sa pakiramdam—parang hinuhugasan nito ang mga iniipon kong hinanakit. Para mas tuluyang gumaan ang loob ko, sinimulan kong lumangoy. Hinayaan kong pagurin nang kunti ang sarili ko. Sa bawat hakbang ng mga braso at sipa ng mga paa, unti-unting bumibigat ang paghinga ngunit gumagaan naman ang puso. Ilang minuto rin akong nagpakalunod sa ritmo ng tubig bago ako umahon at tumungo sa lounger. Humiga ako at iniangat ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ang repleksyon ng sarili sa screen. Suot ko ang paborito kong two-piece bikini, at kitang-kita ang bawat kurba ng aking katawan. “Hmm, siguro naman magugustuhan ni Kuya Liam ang makikita niya,” naisip ko. Binuksan ko ang InstaGlow at nagsimula nang mag-edit ng litrato. Inihanda ko ang perpektong caption. Sana lang, mapansin niya. Need ko na sigurong mag-diet. #FeelingWorriedWithMyBody Ngunit sa halip na matuwa, napataas na naman ang kilay ko. Bigla ko na namang naalala si Kuya Liam at ang bago niyang girlfriend. Ang ngiti ko ay napalitan ng mapait na buntonghininga. “Kailan ba ako titigil sa pagiging bitter?” tanong ko sa sarili. Mukhang habangbuhay na akong magiging ganito hangga’t hindi nagiging kami ni Kuya Liam. Ilang segundo pa lang ang lumipas matapos kong i-post ang larawan, agad na nag-pop up ang notification. “Liam Payne Sandejas liked your photo.” Napangiti ako nang wala sa oras. Hindi rin halata, pero alam kong naghihintay lang talaga ako ng kahit kunting validation mula sa kanya. At ngayon, heto na. Kung nag-like si Kuya, ibig sabihin, tapos na silang dalawa ni Gianna sa ginagawa nila. Napairap ako. Isa na namang babae ang pinagpala ng atensyon niya—Gianna Bruhilda. Parang walang katapusang reality check ang pangalan niya sa isip ko. Habang tinititigan ko ang screen ng phone, may sumunod pang notification. “Liam Payne Sandejas commented on your photo.” Pinindot ko na ito… “Anong diet ang pinagsasabi mo? Kumain ka nang maayos. You are already sexy, Na.” Halos hindi ko maipinta ang ngiti ko nang mabasa ko iyon. Ramdam ko ang maliliit na patak ng tubig na tumutulo pa mula sa buhok ko, pero ang saya na naramdaman ko ay tila nagpatuyo sa lamig ng paligid. Sa wakas, napansin niya ako. Tagumpay. Isa na namang maliit na panalo sa tahimik kong misyon na makaagaw ng pansin kay Kuya. Subalit kasabay ng saya ay ang hindi maikakailang kirot. Paalala lang sa akin na hindi kailanman magiging kami. Pero ngayong sandaling ito, hindi iyon mahalaga. Ang mahalaga, kahit papaano, napansin niya ako. Isang papansin din ang pinagpala at ako iyon. Pero pinagpala nga ba talaga? “Shittt!” sigaw ko. Sa inis ko, tinawagan ko na lang si Manang para magpadala ng pagkain dito sa pool area. Hindi naman kasalanan ni Manang ang inis ko, kaya’t sinigurado kong magalang pa rin akong nakiusap. Ayoko na talagang bumalik pa sa bahay at makisalo pa kina Kuya at Gianna. Hindi ko na kayang itago ang iritasyon ko. Napagdesisyunan kong dito na lang kumain. Ayoko na kasing makita sina Kuya at Gianna. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon. Hindi ba niya nararamdaman na ayaw ko sa kanya? Sana man lang marunong siyang mag-adjust. Pero hindi—parang ako pa tuloy ang kailangang umiwas sa sarili kong bahay. Napailing ako habang naupo sa gilid ng kama. Sigurado akong ipinunta niya lang dito ay magpatira sa kapatid ko. Hindi naman siguro kalabisan kung isipin kong ganoon. Kung ako nga ang nasa kalagayan niya, malamang ganoon din ang gagawin ko. Ang sarap kaya ng Kuya ko. Pero hindi ko rin siya masisisi roon, ha? Kung tama man ako na pakikipagtalik lang ang habol niya kay Kuya, dapat niya na itong sulitin. Lubusin na niya si Kuya habang kaya pa niya. Dahil sa totoo lang, kilala ko si Kuya. Mabilis itong magsawa. Hindi pa man dumating si Manang, nagkasalubong ang kilay ko nang dumating bigla si Kuya. Napatitig lang ako sa kanya at hinintay kung ano ang sasabihin niya. “Kanina ka pa ba rito?” tanong niya. “Yes po. Ang ingay ninyo sa kwarto kaya nandidiri ako,” sabi ko. “Naririnig mo?” “Hindi naman ako bingi, eh. Ako na ang mag-adjust sa inyong dalawa,” sabi ko. Napangiti siya. “Ikaw talaga.” “Anong ako? Ang dapat sabihin mo, kami talaga. Ganoon dapat,” pagtama ko. “Sa loob na tayo,” aniya. “Ayaw ko. Nandoon pa iyong Gianna na iyon,” sabi ko sabay kulob. Gusto ko lang makita niya kung gaano kaganda ang back shot ko. “Umuwi na siya,” aniya. Napataas ang kilay ko habang hindi mapigilan na mapangiti. Hindi naman niya ako makita dahil nakakulob ako at nakatagilid ang ulo ko sa kanya. Ewan ko ba sarili ko na bigla-bigla na lang ang pagbabago ng emosiyon. Siguro nga may mga bagay na hindi ko pa kayang tanggapin. “Hindi mo hinatid?” tanong ko. “Pinag-grab ko lang,” sagot niya. Nilingon ko na siya para makita ang gwapong mukha niya. “Mabuti para hindi ka mapagod. Ang swerte niya para ihatid mo pa. Siya pumunta rito kaya siya rin dapat umuwi by herself, ‘no!?” Tumahimik siya at parang nag-isip. “P-Pero hindi naman ako napagod,” sagot niya pagkatapos nang ilang sandali. “At hindi lang din naman siya ang inaalala ko.” Dahil sa mga salitang iyon, napatigil ako. Minsan, ang mga simpleng sagot ni Kuya ay may malalim na kahulugan. Hindi ko agad alam kung paano mag-react. Nakaramdam ako ng kunting pag-asa sa dibdib, hindi ko alam kung dahil sa hindi ko inaasahang sagot niya o dahil natutuklasan ko na may mga bagay na hindi ko pa nakikita noon. Lagot talaga ako nito. Assuming pa naman akong tao. “Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko, tinatago ang kilig na nararamdaman dito sa puso ko. “Basta. I-Ikaw? Bakit ka pa pumunta rito? Dahil lang ba talaga sa ingay namin?” Umupo siya sa tabi ko kaya umusog ako nang pakanan para mabigyan siya ng space. “D-Dahil gusto ko lang,” nauutal na sagot ko, hindi ko alam kung anong pakiramdam ko nang mga sandaling iyon. “Dahil gusto mo lang? I get it,” sabi niya, at ngumiti nang kunti. “Pasensya na kung masyado akong magulo minsan. Hindi ko rin naman alam kung paano maging perfect na kuya sa iyo, pero sana, naiintindihan mo.” Isang malalim na hinga ang binitawan ko. “Hindi mo kailangang maging perfect, Kuya. Sobra ka pa kaya sa sapat.” Tumahimik kami sandali, at hindi ko na alam kung anong nangyari. Basta ang alam ko, may mga sandali ng katahimikan na mas nagiging makulay kaysa sa mga salitang hindi nasasabi. Bigla siyang humiga sa tabi ko kaya napatitig lang ako sa mukha niya. Nang nilingon niya ako, napatitig kami sa isa’t isa. “B-Bakit ako?” seryosong tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko. Ano ang ibig niyang sabihin sa tanong niyang iyon? ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD