II

2437 Words
CHAPTER TWO “ATE, TAMA nang kapi-picture `yan, utang-na-loob. Quota na `ko sa pagngiti noong start pa lang ng ceremony, e,” nakangiwing reklamo ni Ryon habang kinukunan ito ng picture ni Billie sa labas ng dugout. “Kapatid, kailangan ko ng maraming pictures mo dahil ipu-post ko sa ** `to para dumami ang followers ko.” “Hindi pa ba napupuno ang memory card mo?” “Hindi pa naman ako nalo-lowbatt,” napabungisngis na ani Billie. Napangiti si Kobe nang datnan niya ang magkapatid paglabas niya ng dugout dala ang mga gamit niya. Walang laro ang team nila kaya libre silang umalis pagkatapos ng ceremony. “Napansin ko lang, wala pa kayong picture na magkasama.” Napatingala sa kanya si Billie. “Oo nga, `no?” sang-ayon naman nito. Nakangiting kinuha niya ang cellphone nito. “Kukunan ko kayo.” “Pare, pati ba naman ikaw?” reklamo ni Ryon. “Ang daming chicks ang nagpa-picture sa`yo kanina tapos kahit sa ate mo, wala kahit na isa? `Wag ganyan, P’re.” Tumabi naman si Billie kay Ryon at binaliktad ang bullcap na suot nito. May mga nanood na nakapansin kay Billie kanina at nag-request ng picture mula rito. Just then he realized na sikat nga ito. One of these days ay magse-search siya tungkol dito. “Ngumiti ka, Ryon, ha. Pang-DP ko `to.” Wala na ring nagawa si Ryon at ngumiti nang pagkatamis-tamis habang nakaaakbay sa kapatid nito. “Nagugutom na `ko. Sa’n ba pwedeng kumain ng pizza rito? Ilibre niyo naman akong dalawa.” “Pupunta raw tayo kina Kobe. May celebration do’n.” “Okay lang na sumama kami ni Ryon, Kobe?” manghang tanong sa kanya ni Billie. “Oo naman. Mom is very much fine with it. Pupunta rin ang iba naming relatives. Dapat mag-invite din ako ng mga kaibigan,” sagot naman niya. “Ganyan siya kasikat. Bigla na lang dumadami ang kamag-anak.” Nagpatiuna nang maglakad palabas ng exit si Ryon. Natawa naman sila ni Billie rito. “There you go,” ani Kobe nang ibalik na niya ang cellphone ni Billie. “Salamat, ha? Alam mo, masama talaga ang ugali ng kapatid kong `yon, e.” “Pwede bang ako naman ang magpa-picture sa`yo?” sabi niya nang sumunod na sila kay Ryon. Halatang nagulat si Billie sa reaksiyon nito. “Sure ka?” “Ang dami kasing nagpa-picture sa`yo kanina.” “Sa`yo rin naman, a?” “E di fair lang na magkaro’n din tayo ng picture na dalawa.” Inilabas niya ang cellphone niya. “Please, Billie?” Siniko naman siya nito. “Ikaw, ha. Bakit hindi ‘ate’ ang tawag mo sa `kin? Hindi ba `ko mukhang kagalang-galang?” He chuckled. “You don’t even look like Ryon’s older sister.” “Weh?” “Tanungin mo pa ang mga nandito.” “`Sabagay,” natawang sang-ayon naman nito. Bahagya siyang yumuko para maabot siya nito. Inakbayan niya ito at pareho silang ngumiti sa camera. “Kaya nagpapasalamat talaga ako na naging kapatid ko `yang si Ryon, e. Ang dami kong nakakasalamuhang mga gwapo.” “Tingin mo gwapo ako?” He smiled in satisfaction nang makita ang kuha nila nito. “Magkaibigan nga kayo ng kapatid ko. Hindi bagay sa inyo maging humble.” Natawa naman siya. Nasa parking lot na sila nang mag-ring ang cellphone ni Billie. Ang masayang mukha nito ay biglang sumeryoso. “Hello... Sorry. Naisip ko lang kasi na baka busy ka kaya hindi na kita niyaya. Kaya nga sorry. Alam mo, Aiden, malapit na `kong ma-lowbatt. Iti-text na lang kita kapag nakauwi na `ko sa bahay, ha? Bye.” “Boyfriend mo?” kaswal na tanong niya. “Oo. Ikaw, may girlfriend ka?” “Wala nga, e.” “Maniwala ako.” “`YAN BA si Ara, Pare? Bulag ka ba? Pini-friendzone mo lang ang ganyan kaganda?” “Kung gusto mong makipagkilala sa kanya, lapitan mo,” napailing namang sabi ni Kobe. Nasa garden ng bahay nila ang handaan at sa totoo lang ay hindi niya inaasahan na pinaghandaan iyon nang husto ng mommy niya. Daig pa niya ang nag-celebrate ng debut. “Hindi kaya ako susungitan niyan?” “Hindi mo malalaman kung hindi mo siya lalapitan.” “Sigurado kang okay lang sa`yo na diskartehan ko siya, ha?” paninigurado pa nito. “Basta ayusin mo lang. Si Ara `yan, sinasabi ko sa`yo.” “Hindi naman ako gano’n kasira-ulo.” Nang makuha na niya ang lahat ng kailangan niya sa buffet table ay binalikan na niya si Billie na kasalukuyang pinuputakte ng mga pinsan niya sa kapi-picture. Buti pa ang mga ito, kilala ang background ni Billie. “Uy, tama na `yan, ha. Tingnan niyo nga, hindi na makakain nang maayos si Billie,” saway niya sa mga pinsan. “Sorry naman, Kuya. Hindi lang kami makapaniwala na kakilala mo ang vocalist ng Fade,” napahagikhik na sabi ng pinsan niyang si Karel. “Thank you ulit, Ate Billie, ha?” “No problem. It’s my pleasure,” nakangiti namang tugon ni Billie. Nakipagkawayan pa ito sa mga pinsan niya nang umalis na ang mga ito. Ngayon ay sila na lang ang natira sa mesang iyon. “Pasensiya ka na sa mga pinsan ko, ha? Wala talagang pinapalampas ang mga `yon, e.” “Okay lang `yon. Siyempre, halos araw-araw kong nakakasalamuha ang maraming tao kaya nasanay na rin ako. Isa pa, mababait naman sila, e.” “I brought you food,” pag-iiba niya. “Hindi ka na dapat nag-abala,” hindi makapaniwalang anito. “I should. Tingnan mo, hindi ka na nga makakain nang maayos dahil binubulabog ka ng mga pinsan ko.” “Wala namang kaso sa `kin `yon, e. Pero, Kobe, pwede ba `kong humingi ng favor sa`yo?” “Oo naman. Ano ba `yon?” “Sa’n bang parte ng bahay niyo walang tao? Mas gusto ko kasi ng tahimik kung okay lang naman sa`yo. Kahit do’n na lang muna ako.” “Sa likod. Pwedeng-pwede ro’n. Gusto mo bang samahan kita?” “Yes, please,” she said with an innocent smile. “Dalhin na lang natin `tong mga pagkain.” “Thank you, Kobe.” Nang magpunta silang likuran ay kinailangan pang pailawin ang flashlight ng cellphone ni Kobe para makita nila ang dinadaanan nila. Inilagay niya ang pinggan sa garden table. “There’s the hammock. Upo ka lang dito.” “Salamat.” Nilapitan niya ang lamp post at tinalon ang switch niyon para mag-on ang ilaw. “Ang galing naman!” Natawa siya nang palakpakan siya ni Billie. “Okay ka na rito?” “Yup.” Kinuha nito ang pinggan at kumain. “Kumain tayo.” Tumabi naman siya rito sa hammock at kinamay ang pagkain. “Napaka-interesting ng family mo,” ani Billie. “What made you say that?” amused niyang tanong. “Kasi `yong daddy mo, ex-PBA player, `yong kuya mo naman sikat na artista tapos `yong mom mo full-time housewife. E di asikasong-asikaso niya kayo.” “You’re right. Ang ayoko lang naman e `yong gustong ungkatin ng buong Pilipinas ang nangyayari sa `min sa araw-araw. Wala ba silang sariling mga buhay?” Natawa naman si Billie. “Sikat kayo, e. Natural lang naman `yon.” “I didn’t know you’re popular,” sabi naman niya rito. “I don’t mind. At least, komportable ako nang ganito. `Yong mga nakakausap ko kasi, lagi na lang sa pagbabanda ko ang mga tinatanong sa `kin. Mas gusto ko `to. Pwede tayong mag-usap tungkol sa kahit na ano kasi hindi ka naman pala maka-relate.” Natawa pa ito. “Gusto mong pag-usapan natin ang tungkol sa banda mo? Para maka-relate naman ako sa mga pinsan ko.” “Utang-na-loob, `wag.” Siya naman ngayon ang natawa. “So sa’n kita pwedeng panoorin?” “Iba na lang kasi ang pag-usapan natin. Ikaw naman,” paingos na ani Billie. “Seryoso. I want to see you perform. Hindi ko na kasi napigilan ang sarili kong ma-curious pagkatapos ng mga nakita ko.” Natawa naman ito. “Alam mo, i-search mo na lang ang mga kanta namin sa internet.” “Nice suggestion.” Ibinigay niya rito ang cellphone niya. “Will you please?” “Please what? Ilagay ko ang URL ng download site?” natawang anito. “Please give me your cellphone number.” Ilang sandali ring napatitig lang si Billie sa kanya. “Nakalimutan mo ang number mo?” pabirong tanong niya. “Bakit mo naman hinihingi ang number ko?” “Ayaw mo ba `kong ka-text? Ayaw mo ba `kong tanungin sa mga pinaggagawa ni Ryon habang wala ka?” Napangiti na rin si Billie sa dahilan niya. “Gusto ko `yang suggestion mo.” Kinuha nito ang cellphone niya. “Ayan, o. ‘Ate Billie’ ang name ko riyan, ha?” Nang ibalik nito ang cellphone niya ay napakunot-noo siya. ‘Ate Billie’ nga ang pangalang naka-save sa contacts niya. “I’ll edit this,” sabi niya. Tinanggal niya ang salitang ‘Ate’. “Bakit?” tanong nito nang makitingin sa cellphone niya. “Hindi naman kita tinatawag na ‘Ate’, a?” “Kahit sign man lang na paggalang mo sa `kin.” “This is my phone.” Kunwari ay inismiran siya ni Billie. I-d-in-ial naman niya ang cellphone number nito. Pinigilan niya ang kanyang ngiti nang tumunog ang cellphone nito. “Hello?” “Hi, Billie.” “Sira-ulo ka.” Malakas pa siya nitong siniko. Natawa naman siya nang malakas. “Mas batang pakinggan ang boses mo sa phone.” “Alam ko `yon.” “Mukha namang hindi ka pa lowbatt. Bakit `yon ang sinabi mo sa boyfriend mo?” “Kasi ayoko muna siyang kausap.” “May LQ kayo? You can tell me.” “Tama na nga `to.” Pinutol ni Billie ang tawag kaya ibinaba na rin niya ang kanyang cellphone. “Hindi naman importante, e. Lagi naman kaming nagkakaroon ng misunderstanding ni Aiden kaya parang nasanay na rin ako.” “Bakit hindi ka na lang makipag-break sa kanya?” “Ayaw niya.” “Mahal mo pa ba siya?” “Oo naman. Isa pa, normal lang naman sa isang relasyon ang pag-aaway, `di ba?” Tumango siya. It’s the best way to respond as of the moment even though it was clear to see that she’s not that happy. “Wait, isang drinks lang pala ang nadala ko.” “I don’t mind sharing it with you.” “At dahil wala ka rin namang choice.” “THANK you. Have a great evening!” nakangiting sabi ni Billie nang matapos na ang huling kanta ng set nila. Kumaway siya sa mga naghihiyawang tao sa sikat na bar na tinutugtugan nila at tumakbo na papuntang backstage. “Billie, babe, good job!” masayang salubong sa kanya ni Tinie at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap. “Thanks, Tinie. Um, si Aiden ba, nakita mo? Hindi ko siya nakita sa audience kanina, e.” “I don’t even know he’s coming. May usapan ba kayo?” “Oo. Kanina lang habang papunta ako rito, usapan namin na pupunta siya ngayon.” Hinanap niya ang kanyang bag at tiningnan ang kanyang cellphone. Meron siyang isang text galing kay Aiden. BABE, I CAN’T MAKE IT. MAY NANGYARING EMERGENCY SA BAHAY. I AM SORRY. BABAWI AKO SA SUSUNOD. LOVE YOU. Laglag ang mga balikat ni Billie kahit na nga ba ilang beses na ring ginawa sa kanya ni Aiden iyon. May emergency na naman sa bahay ng mga ito. Ni hindi man lang ito nag-abalang i-ellaborate iyon sa kanya. “May emergency na namang nangyari kaya hindi siya nakapunta.” “That’s too bad. As usual.” “Billie, tingnan mo kung sino ang nandito para sa`yo.” Napalingon siya sa bassist nilang si Jake. At nalipat ang tingin niya sa lalaking matangkad na inaakbayan nito. “Kobe!” gulat na anas siya. “Oh, it’s the oh-so-famous Kobe Tupaz!” patiling sabi naman ni Tinie at makahulugang tiningnan siya. “Hi.” Nilapitan siya nito. “I watched the whole show. You’re amazing.” “At hindi ka man lang nagpasabi? Ang daya mo.” Pabiro pa niya itong sinuntok sa balikat nito. “I’m your fan from now on,” nakangiti pang sabi nito. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang pag-iinit ng mukha niya. “Madaya ka pa rin.” “Nahiya akong lapitan ka kanina. You were very focus.” “Akala ko ba may practice kayo? Nasa’n si Ryon?” “Umuwi agad siya, e. Nagpalit lang ako ng damit sa condo bago dumeretso rito. Malapit lang naman, e. Sana pala nagdala ako ng bulaklak para sa`yo.” Bahagya siyang ngumiwi. “Hindi naman ako masyadong mahilig sa bulaklak kaya kahit hindi na bale. Masaya talaga ako na makita ka ngayon. Ipapakilala kita sa mga kabanda ko.” “Kilala na namin siya,” sagot naman ng mga kasamahan niya. “Pero kayo, hindi pa niya kilala.” “I am Tinie, Billie’s bestfriend,” pakilala naman ni Tinie at hinawakan ng dalawang kamay ang kamay ni Kobe. “Ang gwapo mo naman sa personal.” “ANO’NG plano mo pagkatapos nito? May iba ka pa bang pupuntahan?” tanong sa kanya ni Kobe nang nasa labas na sila ng bar. Pinili naman kasi niyang huwag nang sumamang makipag-inuman sa mga kabanda niya dahil wala siyang ibang gustong gawin ng mga sandaling iyon kundi ang matulog dahil badtrip pa rin siya kay Aiden. “Uuwi na lang ako. Tinatamad akong maglakwatsa ngayon, e.” “Nag-dinner ka na?” “Baka sa bahay na lang.” “Great. Let’s have dinner together. May alam akong restaurant na malapit lang dito. Hindi ka naman nagmamadaling umuwi, `di ba?” Hindi makapaniwalang napatitig siya kay Kobe. “Ang bait mo naman?” “Hindi mo alam `yon?” Natawa naman si Billie. “You are so cute, Kobe Tupaz.” Tumingkayad siya at kinurot ang magkabilang pisngi nito. “Let’s go! Bago pa `ko tuluyang manggigil sa`yo.” “This way, milady.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD