CHAPTER FIVE “HINDI ka naman siguro hahanapin ni Ryon?” “Hindi. Maaga pa naman, e. Ayaw lang naman n’on na nagpapagabi ako.” “I can tell him na magkasama tayo.” “`Wag,” maagap niyang sabi kaya napatingin naman ito sa kanya saglit. “Ayaw mong malaman niya? Alam niyang magkaibigan din tayo.” “Ah, e, ayoko naman siyang mag-isip ng kung ano.” “May problema ba kung mapalapit ako sa`yo? Sa tingin ko naman, wala.” “I’m still in a relationship with Aiden.” Nag-iwas siya ng tingin. “Kobe, huminto ka!” Na ginawa naman nito. Salamat sa seatbelt at hindi siya humalik sa dashboard. Pero hindi iyon inalintana ni Billie. “What’s wrong?” Hindi sumagot si Billie at sumilip sa labas ng bintana. Sa hulihan ng hinintuan nila ni Kobe ay isang motel at nakita niyang tuluyang pumasok doon si Aiden at

