CASTIEL’s POV Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog pero nagising na lang ako na parang nangangalay ang kanan kong kamay. Pinilit kong imulat ang mga mata ko kahit medyo masakit pa rin ang ulo ko at doon ko nakita si Breigh na naka upo sa mini chair nitong kwarto ko habang naka unan siya sa kamay ko at mahimbing na natutulog. Napahinga na lang ako nang malalim tsaka ko dahan-dahang binawi ang kamay ko na hinihigaan niya at humiga na lang ulit. Binatuhan ko nang tingin ang wall clock ko at alas syete na pala ng gabi. Ang haba pala nang naitulog ko at mukhang ganon din si Breigh. Tiningnan ko siya na mahimbing pa rin na natutulog, ginising ko siya kasi kailangan niya nang umuwi at makalipas ang ilang segundo lang ay nagising na siya. Agad siyang umayos mula sa pagkakaupo niya habang

