BREIGH’s POV Nandito lang ako ngayon sa labas ng ospital sa may garden area habang naka upo dito sa may bench. Mag isa lang ako kasi simula nang umalis si Lee ay hindi pa siya bumabalik at ganon din naman si Kuya. Halos 15 minutes kaya akong nag hintay sa loob ng kwarto ko kanina nang umalis si Lee kaya naman hindi niyo ko masisisi kung bakit na bored ako. Tsaka hindi naman talaga ako sa kanya na mag-stay sa ospital lalo na kung mag isa lang ako. Hindi ko kasi maiwasan na maalala ko si Mom kapag nasa loob ako ng kwarto ng ospital. Lagi naman kasi ako sa ospital na toh noong nag lalabas – pasok dito si Mom kapag sinusugod namin siya dahil sa sakit niya. Dahil naaalala ko siya ngayon kaya naman awtomatikong napatingala na lang ako ngayon sa kalangitan. Doon ko napansin ang madaming bitu

