THIRD PERSON’s POV Nakayuko lang si Breigh habang naglalakad siya paakyat sa kwarto niya kaya naman hindi niya namalayan na makaka salubong niya pala si Lee sa daan kung saan ay malayo pa lang siya ay nakatitig na agad ang binata sa kanya. Hindi sana aalis si Lee sa kwarto ng kaibigan dahil sinabi naman ni Breigh na aakyat na siya pero hindi niya maiwasan na magtaka kung bakit ang tagal nitong dumating kaya naman susunduin niya na sana ito. Hanggang sa makita niya na nga ito na nakayuko habang naglalakad. Akala ni Lee ay titingin na sa kanya ang dalaga pero nagkamali siya. Hindi pa mapapansin ni Breigh ang kaibigan kung hindi pa mabilis na hinawakan ng lalaki ang kanyang magka bilang balikat na naging dahilan ng awtomatikong pag hinto niya mula sa paglalakad. “Breigh.”mahinang tawag

