Nag mamaneho lang si Lee pabalik sa condo unit niya. Mabagal lang ang pagpapa takbo niya ng kotse niya dahil ang daming gumugulo sa isip niya ng mga oras na yun. Hindi niya alam kung ano nga ba ang dapat niyang maramdaman matapos ang mga nalaman niya mula sa kaibigan niya ‘Bakit biglaan naman ang naging desisyon ni Breigh?’ naitanong na lang ni Lee sa sarili niya. ‘Parang kanina lang namin napag usapan ang tungkol sa trabaho niya sa kompanya ni Kuya Castiel tapos ngayon ay nag resign na siya?’ Na sambit niya pa dahil hindi talaga siya makapaniwala na nagawa yun ni Breigh. Oo. Gusto niya na umalis na si Breigh sa kompanya ng kapatid niya dahil hindi niya nagugustuhan ang nangyayari dito pero hindi siya matahimik eh. Hindi niya alam kung pinag isipan nga ba talaga ng kaibigan niya ang na

