Mga ilang minuto pa ay nakarating na ulit ako sa condo unit ni Castiel, nang bubuksan ko na sana yung pinto niya ay doon ko namalayan na sinarado niya yun mula sa loob. Hindi ko kasi sinarado itong pinto nung umalis ako, alam ko naman na walang magtatangka na magnakaw sa mga unit dito dahil kilalang hotel ang hotel na toh. Napapailing na lang ako at hindi makapaniwala. Hayyss. Ibig lang sabihin din non ay bumangon na siya mula sa pagkakahiga niya kahit pa masama pa rin ang pakiramdam niya. Tsk. -_- Kinuha ko na lang yung key card niya sa bulsa ko. Hindi niya ata alam na nasa akin ang susi nitong unit niya dahil ako ang nagbukas nito kanina. Hehehe. Binuksan ko na yun at tuluyan nang pumasok sa loob. Pinatong ko muna sa may lamesa ng sala yung plastic bag na dala ko na may lamang g

